OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang

OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang

- Masasabing sinuwerte talaga ang OFW na ito na mayroong mababait na amo na suportado siya at hindi siya pinabayaan lalo na ngayong pandemya

- Katunayan, ikinuha pa siya ng kanyang mga amo ng makakasama at ito nga ay ang kanyang kapatid na nabigyan pa nila ng trabaho

- Nakapagpatayo na rin ng sariling bahay ang OFW at dahil sa maayos naman ang kanyang trabaho abroad, mapalalagyan pa niya ito ng second floor

- Ito raw ang pasasalamat niya sa kanyang mga magulang na siyang nag-aalaga naman sa kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mapalad ang overseas Filipino worker na si Gemma Sotelo Sinogo dahil sa mababait at mapagkalinga ang mga naging amo niya sa Singapore.

Nalaman ng KAMI na 12 taon nang naninilbihan sa ibang bansa si Gemma at ngayon ay nasa mabubuting kamay siya ng employer na marunong pahalagahan ang mga kasambahay na tulad niya.

Read also

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Katunayan, para maibsan ang kanyang mga gawaing bahay, humanap pa ito ng makakatuwang ni Gemma. Dahil dito, naisama niya ang kanyang kapatid sa kanyang trabaho.

OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang
Si Gemma Sotelo Sinogo kasama ang dalawa niyang mga anak Photo from Gemma Sotelo Sinogo
Source: UGC

Dahil sa kabutihan ng amo, nakapagpundar ng sariling bahay si Gemma para sa kanyang mga magulang. Ito raw ang paraan niya upang mapasalamatan ang mga ito lalo na at sila rin ang nag-aalaga sa kanyang dalawang anak.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na salasay ni Gemma na kanyang naibahagi sa KAMI:

"Ako si Gemma Sotelo Sinogo, 39 years old isang OFW from Singapore. Helper ako dito, 12 yrs na ako as OFW.
Full-time mother ako dati bago ako nag-abroad. Naisipan ko pong mag-abroad dahil sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang aking 2 anak at ang aking mga magulang. Single parent na po ako.
Super bait po ng mga amo ko ngayon. Sa katunayan nagpakuha sila ng kasama ko dito sa bahay at yung kapatid ko ngayon ang kasa-kasama ko. Yearly nila kaming pinapauwi at lahat ng benefits ibinibigay nila sa amin.

Read also

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa katunayan kahit helper ako di kami naapektuhan ng pandemic dahil tuloy pa rin ang aming sahod.
Nakapagpatayo po ako ng bahay para sa mga magulang ko at dahil dun na rin nakatira ang 2 kong anak. On going rin ang pagpapatayo ng 2nd floor.
Nagpapasalamat ako kahit malayo ako sa aking pamilya, naibibigay ko ang pangangailangan ng 2 kong anak at ng aking magulang.
Time na rin siguro na tumanaw ako ng utang na loob ko sa aking parent na siyang naghirap sa amin. Eto po ang magandang naidulot sa aking pagtatrabaho dito sa ibang bansa."
OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang
Ang plano para sa ikalawang palapag ng bahay nina Gemma. Photo from Gemma Sotelo Sinogo
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang kababayan din natin na bagaman at aminadong hindi kalakihan ang kita ay nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay para sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Ang isa namang OFW na nagbahagi rin ng kanyang kwento sa KAMI ay nakapagpatayo na ng sarili niyang negosyo na balak na lamang niyang palaguin upang hindi na muling magtrabaho sa ibang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica