Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

- Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang lalaki na nalinlang ng kanyang naka-relasyon na isa pa lang bakla

- Buong pag-aakala raw niy na babae ito kahit na minsan na siyang naghinala dahil sa hindi ito maayos na nakikipag-video chat sa kanya

- Ang masaklap pa sa nangyari, pinerahan pa siya di umano nito na umabot sa mahigit P13,000

- Sa huli, pumayag na ang nakarelasyon ng lalaki na bayaran na lamang ang halagang naibigay nito sa kanya upang matapos na ang kanilang sigalot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog kay Raffy Tulfo ang lalaking si Romulo Ocate matapos na maloko umano siya ni Nathaniel Verdejo na buong pag-aakala niya ay isang babae.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng relasyon ang dalawa matapos na magkakilala sa social media.

"Nathalie" ang pakilala ni Nathaniel kay Romulo at hindi naman daw nito ni minsan nabanggit na isa pala siyang bakla.

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy
Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ang masaklap pa rito, ilang beses na nakapagbigay ng pera si Romulo kay "Nathalie" lalo na kung idinadahilan nito ang pagkakasakit ng kanyang magulang.

Dala raw kasi ng pendemya ay walang trabaho si 'Nathalie' kaya nagagawa niyang humiram na kalaunan ay humingi na ng pera kay Romulo na kanya namang nobyo.

Bagama't minsan nang nagduda si Romulo sa kasarian ni 'Nathalie', inisip pa rin niyang babae ito. Hindi raw kasi maayos ang pakikipag-video call nito sa kanya kaya hindi niya mapatunayan ang kasarian nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Itinatanggi naman ito ni Nathalie at sinabing nilinaw daw niya kay Romulo ang katotohanan na hindi siya totoong babae.

Ngunit mayroon daw mga screenshot ng mga conversation ang lalaki na nagpapatunay na hindi nito ipinaalam ang kanyang kasarian noong sila'y may relasyon pa.

Upang matapos na ang usapan, nakumbinsi naman ni Tulfo si Nathalie na bayaran na lamang nito ang perang naibigay ni Romulo sa kanya.

Tekla, naluha nang muling magbigay ng mensahe kay Michelle Bana-ag tungkol kay Baby Angelo

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang"Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang subscribers ng channel niya na Raffy Tulfo in Action.

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang isang mister na biktima umano ng pananakit ng kanyang kinakasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel