Keith Talens at Mang Jun, lumabas na nagsinungaling base sa lie detector test

Keith Talens at Mang Jun, lumabas na nagsinungaling base sa lie detector test

- Lumabas na ang resulta ng lie detector test na isinagawa kina Keith Talens at dati nitong driver na si Mang Jun

- Parehong lumabas na nagsisinungaling umano ang dalawa base sa polygraph test na natagalang ilabas dahil inabot na ng pandemya

- Ngunit ang nakagugulat sa nangyari ay nagkapatawaran na ang dalawa makalipas ang ilang buwan nang huling magkaharap sila sa programa ni Raffy Tulfo

- Bukod pa rito, si Keith pa ang magbabayad ng piyansa ni Mang Jun sa kasong isinampa niya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas ang ilang buwang paghihintay, lumabas na sa programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng isinagawang lie detector test sa vlogger na si Keith Talens at nakaalitan nitong dati niyang driver na si Filemon Koh II o mas kilala bilang si Mang Jun.

Nalaman ng KAMI na pareho umanong nagsisinungaling ang dalawa base sa polygraph test na ginawa sa magkabilang panig.

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

Ikinagulat din ito Tulfo subalit ibinunyag din nito na mayroon nang warrant of arrest si Mang Jun dahil sa kasong cyberlibel ng dati niyang amo na si Keith.

Keith Talens at Mang Jun, lumabas na nagsisinungaling sa lie detector test

Sa kabila ng resulta ng lie detector test, napatawad na rin ni Keith ang dati niyang driver na si Mang Jun Photo from Keith Talens (Youtube Vlogger)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinaghahanda ni Tulfo ng P10,000 piyansa si Mang Jun subalit wala umano siyang ganoon kalaking halaga sa ngayon lalo na at wala siyang hanapbuhay.

Ang nakagugulat sa nangyari, sumang-ayon si Keith na siya na mismo ang magpiyansa kay Mang Jun kasabay na rin ng kapatawaran niya rito.

Labis-labis ang pasasalamat ng dating driver ni Keith sa kanya gayundin kay Tulfo na siyang namagitan sa dalawa sa naging sigalot nila bago pa man ang pandemya.

Nakiusap din si Mang Jun sa mga bashers na tigilan na ang mga masasakit na salitang ipinupukol ng mga ito lalo na at nagkapatawaran naman na sila ng dating amo.

Bea Alonzo, hinangaan dahil sa husay sa ginawang nail art sa isang fan

Dagdag pa ni Keith, maaring magkaroon ng tyansa na mag-collab sila ni Mang Jun sa kanilang vlog balang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Keith Talens ay isa sa mga kilalang YouTube vlogger sa bansa. Gumawa siya ng ingay sa social media nang mai-post niya ang isang vlog kung saan nasurpresa lamang siya sa pagkamatay ng kanyang ama nang bigla niyang maisipang umuwi ng kanilang probinsya.

Naging mainit ding usapin tungkol kay Keith ang di nila pagkakaunawaan noon ni Mang Jun na humantong pa nga kontrobersyal na paghaharap nila sa programa ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel