American, ipina-Tulfo ang ex-GF para mabawi ang ₱1.5 million na naibigay daw niya rito

American, ipina-Tulfo ang ex-GF para mabawi ang ₱1.5 million na naibigay daw niya rito

- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang lalaking Amerikano upang mabawi ang nasa ₱1.5 million na naibigay na umano niya sa dating karelasyon na Pinay

- Napatayuan pa niya ito ng bahay at nagkaroon sila ng sasakyan ngunit dahil sa madalas na silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, nagkahiwalay na sila

- Sinabi pa umano ng American na ninanakawan di umano siya ng Pinay mapa-pera man o alahas

- Sa huli, nagkasundo silang ipagbili ang mga naipundar ng American para sa Pinay at ang mapagbebentahan ang siya nilang paghahatian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang American na si Thomas Martin at inirereklamo niya umano ang dating nakarelasyon na si Jiezha Manguilimotan.

Nalaman ng KAMI na nais umanong bawiin ni Thomas ang ₱1.5 million na naibigay umano niya kay Jiezha.

OFW, ipina-Tulfo ang ex-fiancée na di umano'y nang-ghost sa kanya

Kwento pa ng American na tinatayang nasa ₱3 million talaga ang halagang naibahagi niya sa dating kasintahan ngunit kalahati na lamang daw umano niya ang kanyang babawiin.

American, ipina-Tulfo ang ex-GF para mabawi ang ₱1.5 million na naibigay daw niya rito

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ayon pa kay Thomas, nagagawa raw ng ex-gf na pagnakawan siya mapa-pera man o alahas.

Dahil sa madalas na ring pagtatalo at hindi pagkakaunawaan, nagkahiwalay ang dalawa.

Subalit, marami nang naipundar ang American sa dating nobya. Katunayan, napatayuan na niya ito ng bahay kung saan ito naninirahan kasama ng kanyang pamilya. Nabilhan na rin niya ito ng sasakyan.

Nang kapanayamin naman ni Tulfo ang Pinay, ipinaliwanag nito na ang dating nobyo na Amerikano ang hindi nakikipag-usap sa kanya ng maayos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Itinanggi rin nito ang akusasyon sa kanya na kumukuha umano ito ng pera at alahas sa Amerikano.

Nagagawa raw niyang magtabi ng pera para sa mga bills at iba pang gastusin nila sa araw-araw.

OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang

Nalaman din daw ni Jiezha na mayroon nang ibang girlfriend di umano si Thomas na inisip niyang dahilan kung bakit hindi na ito nakikipag-usap sa kanya.

Sa huli, nakumbinsi ni Tulfo na ibenta na lamang ni Jiezha ang bahay at sasakyan na naipundar ni Thomas sa kanya upang may pera silang maaring paghatian.

Narito ang kabuuan ng naturang episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang"Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang subscribers ng channel niya na Raffy Tulfo in Action.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang isang lalaki na sapul sa video na sinasaktan ng kanyang kinakasama.

Gayundin ang isang OFW na "na-ghost" umano ng nakarelasyon matapos na makuha lamang daw nito ang pera at mamahaling cellphone mula sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel