OFW, ipina-Tulfo ang ex-fiancée na di umano'y nang-ghost sa kanya

OFW, ipina-Tulfo ang ex-fiancée na di umano'y nang-ghost sa kanya

- Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang OFW na biktima umano ng 'ghosting' ng dati niyang fiancée

- Marami na raw sanang plano ang dalawa para sa kanilang kasal nang bigla na lamang hindi nagparamdam ang babae

- Kaya naman, binabawi ng lalaki ang engagement ring, mamahaling cellphone at pera na naipagkatiwala niya sa dating nobya

- Hindi naman naging malinaw ang dahilan ng dating nobya kung bakit ito biglang di nagparamdam sa lalaki, nangako naman itong babayaran na ang natitirang pera na naibigay nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang OFW na si Conrado Patacsil Jr. na biktima umano ng 'ghosting' ng kanyang dating fiancée.

Nalaman ng KAMI na engaged na ito sa dating nobya na si Jenie Montajes. Subalit sa di niya malamang kadahilanan, bigla na lamang daw itong hindi nagparamdam sa kanya at hindi na rin niya ito makontak.

Read also

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Dahil dito, nagdesisyon si Conrado na bawiin kay Jenie ang lahat ng naibigay niya rito lalo na ang engagement ring, mamahaling cellphone at ang perang naipagkatiwala niya rito.

Kwento ni Conrado, naipakilala na nga raw niya si Jenie sa kanyang pamilya. Naglabas na rin ng pera ang OFW na ayon kay Jenie ay para raw sa titulo ng lupa ng kanilang bahay. Naglaan din siya ng pera sa kanilang unified account na hindi naman nakita ni Conrado nang ito'y kanyang tingnan online.

OFW, ipina-Tulfo ang ex-fiancee na nang-ghost sa kanya matapos na siya'y perahan
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nang makapanayam ni Tulfo si Jenie, bungad agad nito na babayaran na lamang niya ang balanse pa ng perang naibigay sa kanya ni Conrado.

Hindi na lamang daw kasi siya nakapaghulog dahil sa kawalan ng pagkakakitaan buhat nang mag-lockdown.

Halos hindi naman madepensahan ng maayos ng babae ang sarili kung bakit bigla na lamang itong hindi nagparamdam kay Conrado.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

Sinabi nitong hindi raw niya nagustuhan ang pakikitungo nito sa mismong pamilya niya.

Gayunpaman, iginiit na lamang ng babae na babayaran na lamang kaagad ang kulang balanse pa sa nasa P30,000 na perang naipagkatiwala sa kanya ng dating nobyo pati na rin ang kanilang engagement ring ay kanya na ring isasauli maliban lang sa cellphone na binigay naman daw nito sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang 'hari ng public service' sa programa niyang "Wanted sa Radyo".

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na Idol in Action at Frontline Pilipinas. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang subscribers ng channel niya na Raffy Tulfo in Action.

Read also

Tatlong Emirati, kinagiliwan online dahil sa pagkanta nila Pinoy song na "Imahe"

Kamakailan ay agad na inaksyunan ni Tulfo ang sitwasyon ng lalaki sa viral video na walang awang sinasaktan ng kanyang kinakasamang babae.

Maraming netizens ang nag-tag sa kanyang programa sa nasabing video kaya naman hindi nag-atubili si Tulfo na tulungan ang lalaki.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica