Viral na ginang na nanakit ng kanyang kinakasama, di na muling makausap ni Tulfo

Viral na ginang na nanakit ng kanyang kinakasama, di na muling makausap ni Tulfo

- Muling kinausap ni Raffy Tulfo si Anthony Maravilla, ang lalaki sa viral video na sinasaktan ng kanyang kinakasama para maipa-DNA test ito at ang kanyang anak

- Nabanggit kasi nito na ang dating nakarelasyon ng kanyang kinakasama ay nagsasabing sa kanya umano ang bata

- Hindi na umano sumasagot sa tawag ang kinakasama noon ni Anthony na nananakit sa kanya na si Juwena Dela Peña

- Sakaling mapatunayang hindi nga si Anthony ang ama ng sinasabing anak nila ni Juwena, ipapaayos din nito ang apelyido ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinapanayam muli ni Raffy Tulfo si Anthony Maravilla, ang lalaki sa viral video na walang awang sinasaktan ng kanyang kinakasama.

Nalaman ng KAMI na marami kasi ang mga netizens na nagmungkahi na siguruhin muna ni Anthony na sa kanya nga ang sinasabing anak nila ng dating kinakasama na si Juwena Dela Peña.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Nabanggit umano kasi sa mga naunang video ng episode na ito ng Wanted sa Radyo na ang dating nakarelasyon umano ni Juwena ay nagsasabing sa kanya ang bata.

Viral na ginang na nanakit ng kanyang kinakasama, di na muling makausap ni Tulfo

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Kaya naman upang masiguro kung dapat pa nga bang sustentuhan ni Anthony ang baby nila ni Juwena, ipapa-DNA test sila ni Tulfo.

Sinusubukan din ng programa na makapanayam muli si Juwena ngunit hindi na ito sumasagot sa mga tawag ng staff ni Tulfo.

Sakaling mapatunayang hindi nga kay Anthony ang bata, ipaaayos din nila ang apelyido nito.

Nilinaw din ni Tulfo na kaya hindi nila nagawang paalisin agad si Juwena sa tahanan ni Anthony ay dahil may kasama nga itong bata na mas lalong magiging kaawa-awa kung agad na paalisin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang subscribers ng channel niya na Raffy Tulfo in Action.

Agad niyang inaksyunan ang kaso nina Anthony at Juwena na mabilis nag-viral lalo na at halos libo-libong netizens ang nag-tag sa kanila patungkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel