Keith Talens at Mang Jun, nagharap na sa programa ni Raffy Tulfo

Keith Talens at Mang Jun, nagharap na sa programa ni Raffy Tulfo

- Nagharap na ang YouTube vlogger na si Keith Talens at ang kanyang driver na si Mang Jun sa programa ni Raffy Tulfo

- Nagsimulang gumawa ng ingay ang dalawa nang magkainitan ito ukol sa akusasyon ng pambababae di umano ni Keith ayon sa kanyang malapit na driver

- Dumagdag pa rito ang di umano'y pagse-set up ni Keith kay Mang Jun para masaktan nito ang isang guard sa kanilang subdivision

- Handa raw si Mang Jun na magpa-lie detector test at ipasuri sa anti-cybercrime ang mga palitan nila ng text messages ni Keith

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos magkainitan ang kontrobersyal na YouTuber na si Keith Talens at ang kanyang dating ka-close na driver na kilala bilang tawag na Mang Jun.

Nagharap na muli sila sa unang pagkakataon matapos ang isyu sa programa ni Raffy Tulfo.

Maalalang nagkaroon ng hidwaan ang dalawa nang di umano'y na-set up daw si Mang Jun ng kanyang amo para bugbugin ang security guard ng kanilang subdivision.

Bukod pa rito, inakusahan naman ni Mang Jun si Keith na babaero na siyang ikinagalit naman ng misis nito.

Sa Raffy Tulfo in action, nagdala ng ilang ebidensya si Keith na nagpapatunay na nagsisinungaling di umano ang dati niyang driver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon siyang mga record ng mga naging usapan nila ni Mang Jun na taliwas daw sa salaysay nito sa programa.

Handa naman daw magpa-lie detector test si Mang Jun upang patunayan na siya'y nagsasabi ng pawang katotohanan lamang.

Pa-iimbestigahan din nila sa anti-cybercrime ang sinasabing mga mabibigat na ebidensya ni Keith sa kanilang mga conversation ni Mang Jun online.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging paghaharap.

Gumawa ng ingay online si Keith Talens dahil sa di umano'y pag-video niya sa pagkamatay ng kanyang ama na di raw niya nalaman kaagad at nasurpresa na lamang sila nang maisipan niyang umuwi sa kanilang probinsya.

Umani ito ng iba't ibang pambabatikos dahil sa maaring nagamit lamang di umano ang ama nito upang magkaroon si Keith ng content sa kanyang vlog sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel