Young vlogger couple, naisakatuparan na ang pagkakaroon ng sariling bahay
- Nakaka-inspire ang kwento ng mag-asawang YouTuber na ito na nakamit na ang dati lamang nilang pinapangarap na sariling tahanan
- Nakapagbiro pa sila noon na kung maipatayo na nila ang sariling bahay, bibinyagan daw nila ito ng 'alak' bago pa man sila maglipat ng mga gamit
- At makalipas nga ang siyam na taon mula nang masabi nila ang biruan na iyon, naisakatuparan nila ito
- Ang kahanga-hanga pa sa dalawa, bago pa man nila pasukin ang pagiging mga YouTube vlogger ay nakabili na sila ng lupa kaya naman tinuloy-tuloy nila ang pagtupad sa dati lamang nilang pinapangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na kahanga-kahanga ang kwento ng pamilya Ogad na ngayo'y nakamit na ang dati lamang na pina-plano at pinapangarap na sariling bahay.
Naibahagi sa KAMI ni Kaisielyn Ogad o mas kilala bilang si "Mommy O" ang nakaka-inspire na kwento ng tagumpay nila kasama ang kanyang mister na si Mar Ogad o mas kilala bilang si "Daddy O".
Sila ang young couple sa likod ng nakaka-good vibes na YouTube channel na Team OGAD Vlogs-OGADventure.
Kamakailan, nai-post nila ang minsan nilang biruan lamang ni Daddy O na kung magkakaroon sila ng bahay, bibinyagan nila ito ng alak.
Ngayon, sa edad na 26 at 27 at makalipas ang siyam na taon, natupad na ang dating biruan lamang nila.
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Mommy O sa KAMI:
"We are young parents po kaya struggle is real talaga sa pagsisimula ng pamilya. Pero di kami napigilan para mangarap lalo na po para sa anak namin. Kaya nag-ipon po kami para maisakatuparan po yung dream house namin.
"Noong nagsisimula pa lang kasi kami as mag-girlfriend at boyfriend, noong walang-wala pa kami pareho, na as in pagkasweldo, pambayad agad ng bills, pinaglolokohan namin na kapag nakaluwag, magpapatayo kami ng sarili naming bahay, at bago namin ilagay lahat ng gamit namin, mag-iinom kami sa gitna.
"Kaya nung nagawa na po yung bahay namin, talaga pong ginawa namin yung biruan namin 9 years ago. Nag-inom po kami habang pinagkikwentuhan lahat ng pinagdaanan namin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Sobrang saya lang po talaga namin nung araw na yan kaya naipost ko bigla. At masaya naman po kami na marami ang natuwa at na-inspire.
"Nagsimula po kami bumili ng lupa wala pa kaming YouTube channel. We are both in sales and marketing po. Sales Senior Professional po ako at siya din sa Sales. Parehong may commission, ayun po ang ginamit naming panimula. Tapos pinasok na po namin ang pagba-vlog, kaya kahit papaano, napagsasabay na namin ang travel, family time and investment.
"Ako na po ang naunang magresign. At sana kayanin din naming magfocus nalang sa sarili naming business at sa pag ba vlog po."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, ilan sa mga naunang naibahagi ng KAMI ang kwento na puno ng inspirasyon mula sa mga kababayan nating nagbunga at nakapagpundar na ng mga bahay at ari-arian mula sa sarili nilang pagsusumikap at sakripisyo.
Ang ilan, nagkaroon na rin ng sarili nilang negosyo na kanila na lamang daw payayabungin upang hindi na maging empleyado o mangibang bansa para magtrabaho.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh