Sojina Crisostomo, hiling na ma-release ang huling recordings ni Jamir Garcia
- Hiling ni Sojina Jaya Crisostomo, ang live-in partner ng pumanaw na frontman ng bandang 'Slapshock' na si Jamir Garcia na ma-release ang mga huling kantang nagawa nito
- Ayon kay Sojina, pinaghirapan daw ito ni Jamir ngayong lockdown kaya nararapat lamang na ma-release ang mga awiting naisulat at nai-record nito
- Subalit ipinauubaya pa rin niya ang desisyon sa dalawa pang naiwang miyembro ng banda
- Anim na kanta raw ito na inaasahan sanang maisapubliko base sa huling pakikipag-usap ni Jamir sa Polyeast Records
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dasal ng naiwang partner ni Jamir Garcia na si Sojina Jaya Crisostomo na ma-release ang huling mga kantang nagawa ng 'Slapshock' frontman bago ito pumanaw.
Nalaman ng KAMI nakagawa pa si Jamir ng anim na kanta nitong lockdown at nakikipag-usap na pala ito sa Polyeast Records bago maganap ang kanyang pagyao.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Sojina, hiling niyang maisa-publiko ang mga kantang huling naisulat at nai-record nina Jamir bilang pagbibigay pugay na rin sa naiwan niyang legacy sa Pinoy rock music scene.
Subalit ipinauubaya pa rin ni Sojina ang desisyong ito sa dalawang naiwang miyembro ng grupo.
Minsan nang nabanggit ng banda ang pag-release sana ng kanilang ika-10 album na siyang follow-up sa huli nilang nagawa noong 2017.
Base sa ulat ng Rappler, nito lamang Oktubre nang kumpirmahin ng bahista ng banda na si Lee Nadela ang pagkakawatak-watak ng kanilang grupo makalipas ang 23 taon.
"The pandemic brought a lot of challenges and taught us a lot of lessons. Friendships, loyalty, intentions, and our sense of brotherhood were tested," pahayag ni Lee.
Naibahagi pa ng Daily Tribune ang pirmadong 'disbandment agreement' na may nakalagay na petsang Setyembre 26.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Makalipas lamang ang dalawang buwan matapos ang kumpirmasyon ng disbandment ng Slapshock, natagpuang wala nang buhay si Jamir sa kanilang tahanan.
Naisugod pa sa ospital si Jamir sa pagbabakasakaling maisasalba pa ang buhay nito subalit idineklara na itong 'dead-on-arrival'.
Nakatakdang i-cremate ang kanyang mga labi ngayong Martes, Disyembre 1.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Vladimir "Jamir" Garcia ay ang singer-songwriter ng heavy metal band na Slapshock.
Kasama niya sa banda sina Chee Evora, Lean Ansing, Jerry Basco, at Lee Nadela sa loob ng 23 taon.
Kilala sila sa mga sumikat nilang awitin tulad ng 'Agent Orange', 'Cariño Brutal', 'Wake Up' at 'Anino Mo.'
Isang araw matapos kumpirmahin ang pagpanaw ni Jamir, agad na naglabas ng mensahe ang partner nitong si Sojina Jaya Crisostomo at sinabi kung gaano niya kamahal ang yumaong rockstar.
Matapos nito ay naglabas din siya ng Facebook live kung saan ibinulalas niya ang sama ng loob sa ilang mga taong naging sanhi umano ng depression ng pumanaw na bokalista.
Hindi man nabanggit ang pangalan, subalit sumagot ang isang miyembro ng banda na si Lee Nadela sa pamamagitan ng isang Facebook post at sinabing maglalabas sila ng pahayag subalit sa ngayon ay nagluluksa din sila sa pagpanaw ng kanilang frontman.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh