Larawan nina Jamir ng 'Slapshock' at Chester ng 'Linkin Park' na magkasama, muling nag-viral

Larawan nina Jamir ng 'Slapshock' at Chester ng 'Linkin Park' na magkasama, muling nag-viral

- Muling nag-viral ang larawan nina Chester Bennington ng American rock band na Linkin Park kung saan nakasama siya ni Jamir Garcia ng Pinoy band na 'Slapshock'

- Nalungkot ang mga fans dahil pareho nang sumakabilang buhay ang dalawa nang hindi inaasahan

- Marami ang nagsasabing maituturing ang dalawa sa mga pinakamahuhusay na musikero bilang mga bokalista ng kani-kanilang banda

- Kapansin-pansin din ang parehong adhikain ng dalawa na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagsama sa mga benefit shows

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas muli ang larawan ng yumaong frontman ng 'Slapshock' na si Jamir Garcia kung saan dalawang beses niyang nakasama ang namayapa na ring lead man ng American rock band na 'Linkin Park' na si Chester Bennington.

Nalaman ng KAMI na ilang netizens ang nagbahagi muli ng larawan ng dalawa na magkasama dala marahil ng matinding kalungkutan na namayapa na ang mga ito.

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Ang sinasabing larawan ay mula sa Instagram post ni Jamir na nagbigay pugay pa noong 2017 sa biglaang pagpanaw ni Chester.

Larawan nina Jamir ng 'Slapshock' at Chester ng 'Linkin Park' na magkasama, muling nag-viral
Dobleng lungkot ang naramdaman ng mga fans nang makita muli ang larawan nina Jamir at Chester na magkasama. Photo: Jamir Garcia
Source: Instagram

Inalala noon ni Jamir ang naging pag-uusap nila ni Chester kung saan nasabi nitong labis siyang nalulungkot sa nangyari noon sa bansa dahil sa Bagyong Yolanda.

Ang dalawa ay naging bahagi ng benefit show para sa mga nasalanta ng isa sa pinaka malakas na bagyong naranasan ng Pilipinas noong 2013.

Naibahagi rin ni Jamir sa naturang post na malaking bahagi ng kanyang propesyon si Chester na isa talaga sa kanyang tinitingala.

"This man and his band helped shape me and my band to what we are right now,"

"He was such an important piece in my career," ang ilan sa mga nasabi ni Jamir sa kanyang emosyonal na post tungkol sa frontman ng Linkin Park.

Kaya naman marami sa kanilang mga fans ang nakaramdam ng dobleng lungkot na pareho nang namayapa angmga iniidolo nila

Read also

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Rest in paradise mga idol! maaga man pero napakalaki ng nagawa niyo sa aming mga fans"
"Together now. 2003, 2014 and 2020. Rest in peace sir Chester and sir Jamir"
"Slapshock playlist mula nang lumisan ka sir Jamir, ngayong nakita ko to, Linkin Park playlist na rin"
"Nakita ko yung caption mo sa pictures niyo ni Chester, nakakalungkot na pareho na kayong wala"
"Now we pay tribute to the both of you... We will miss you Jamir ang Chester!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Chester Bennington ang dating frontman ng American rock band na 'Linkin Park' na nagpasikat ng mga kantang "Numb", "Crawling" at "In the End."

Samantala, si Jamir Garcia naman ang frontman ng Pinoy heavy metal band na "Slapshock."

Nito lamang Nobyembre 26 nang pumanaw si Jamir na natagpuang wala nang buhay sa kanyang tahanan.

Ang kanyang live-in partner na si Sojina-Jaya Crisostomo ay labis na naghihinagpis sa nangyari at sinabing ipaglalaban niya pa rin si Jamir kahit wala na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica