Jamir Garcia ng Pinoy heavy metal band na Slapshock, pumanaw na sa edad na 42

Jamir Garcia ng Pinoy heavy metal band na Slapshock, pumanaw na sa edad na 42

- Natagpuang wala nang buhay si Jamir Garcia, ang kilalang bokalista ng Slapshock sa sarili nitong tahanan sa Quezon City

- Kinumpirma ito ng Quezon City Police District, Talipapa Police Station 3 at sinasabing suicide ang ikinamatay nito

- Sinubukan pa umanong dalhin sa ospital at isalba pa sana ang buhay ni Garcia subalit 'dead on arrival' na ito ayon sa tumingin na doktor

- 42-anyos lamang ang pumanaw na bokalista ng isa sa mga kinikilalang Pinoy Rock Band sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang frontman ng bandang 'Slapshock' na si Vladimir Jamir Garcia sa edad na 42.

Nalaman ng KAMI na natagpuan itong wala nang buhay sa sarili nitong tahanan sa Quezon City ngayong Nobyembre 26 ng umaga.

Sa ulat ng GMA News, sinabing kinumpirma ng Quezon City Police District, Talipapa Police Station 3 ang pagkamatay ng bokalista matapos ang inisyal na imbestigasyon.

Boyfriend ni Kiray Celis, nag-viral dahil sa nakakakilig na grad photos

Lumabas din na pagkitil ng sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ang ikinamatay ni Garcia.

Jamir Garcia ng Pinoy rock band na Slapshock, pumanaw na sa edad na 42

Natagpuang wala nang buhay sa kanilang tahanan si Jamir Photo: Jamir Garcia
Source: Instagram

Ayon sa Inquirer, sinubukan pa umanong dalhin siya sa ospital sa pagbabaka-sakaling madugtungan pa ang buhay nito. Subalit huli na ang lahat at idineklara nang 'dead on arrival' ito ayon sa attending physician.

Maraming fans ng Slapshock ang nalungkot at labis na nagulat sa sinapit ng kanilang idolo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Rest in peace, your legacy and music will remain..."
"Idol, sana kinaya mo po ang problema kung ano man iyan."
"You will be forever our vocalist, para sa banda mo na Slapshock!"
"Rock on sir Jamir, you will be missed. Rest in Paradise sir"
"Nakakalungkot ang 2020, tapos nawala ka pa idol Jamir"

Nito lamang Oktubre, naiulat ng Rappler ang pagkaka-disband ng 'Slapshock' na kinumpirma ng isa sa kanilang mga miyembro na si Lee Nadela.

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vladimir Jamir Garcia ay bokalista ng heavy metal band na Slapshock na kinabibilangan din nina Chee Evora, Lean Ansing, Jerry Basco, Clarison Requiroso at Lee Nadela.

Kilala sila sa mga sumikat nilang awitin tulad ng 'Agent Orange', 'Cariño Brutal', 'Wake Up' at 'Anino Mo.'

Kamakailan ay aminado ang banda na dala ng pandemya ay humarap sila sa maraming pagsubok na naging daan upang sila ay magkawatak-watak matapos ang 23 na taon sa Pinoy music scene.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel