98-anyos na lolang namumuhay mag-isa, ginawan ng mga pulis ng maayos na bahay

98-anyos na lolang namumuhay mag-isa, ginawan ng mga pulis ng maayos na bahay

- Viral ang nakamamanghang pagtulong ng mga puis sa Ilocos Norte kay Lola Celerina Ibus Villa

- Mag-isang namumuhay ang 98-anyos na lola sa halos magiba na na bahay

- Nagsimula lamang ang mga pulis sa pagdadala ng groceries sa matanda

- Sa tulong ng mga netizens na nadurog ang puso sa kalagayan ng lola, nakalikom ang mga pulis ng pondo upang magawan ng disenteng tirahan ang lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang ginawa ng mga pulis sa Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte kung saan sama-sama silang tumulong sa isang 98-anyos na lolang namimihay mag-isa.

Ayon sa post ng I Love PNP, mag-isa na lamang namumuhay si Lola Celerina na hirap na ring makakita.

Halos gumuho na rin ang bahay nito. Labis na itong mapanganib lalo pa at matanda at mahina na si lola.

Nagsimula lamang daw ang mga pulis sa pagbisita at pagkumusta sa lola. Dinadalhan din daw nila ito ng mga groceries upang masigurong may makakain ang lola.

At dahil nag-viral ang naunang mga post tungkol kay lola Celerina, may ilang nagpaabot ng tulong sa lola.

Dahil dito, nakalikom ng pondo ang pulisya sa nabanggit na lugar at sila mismo ang unti-unting nagtatayo ng bahay.

Di biro ang ginawa na ito ng mga pulisya at agad na ring naitayo ang bahay ni lola Celerina

Naging emosyonal pa ang babaeng pulis habang kinakausap ni lola na sadyang nakakaawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel