Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa lalaking "chill-chill" lang habang kausap ang naglokong misis

Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa lalaking "chill-chill" lang habang kausap ang naglokong misis

- Hindi napigilan ni Raffy Tulfo na matawa sa pagiging sobrang kalmado ng isang complainant habang kausap ang misis na umano'y nanloko sa kanya

- Seryosong alegasyon at usapin ang inirereklamo ng mister patungkol sa kanyang misis subalit nakuha pa nitong kumain ng saging

- Bukod sa pagkain, ilang beses din itong uminom ng tubig na nagpapakita kung paano niya dinadala ang sitwasyon nila ng asawa

- Malaki ang posibilidad na masampahan ng kaso ang misis kaya naman binigyan muna sila ni Tulfo na pag-usapan muli ang kanilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napa-halakhak na naman sa kakatawa si Raffy Tulfo dahil sa mga ginagawa ng complainant na si Jenes Miones habang inirereklamo nito ang kanyang misis na si Rowelyn Miones.

Nalaman ng KAMI na inaakusahan ni Jenes na nanlalalake umano ang misis na si Rowelyn at duda pa siyang hindi sa kanya ang ikalawa nilang anak.

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

Isa rin sa inirereklamo pa ng mister ay ang kanyang biyenan na iniinsulto umano siya at sinasabihan siyang mukhang unggoy.

Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa lalaking "chill-chill" lang habang kausap ang naglokong misis

Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kinausap agad ni Tulfo ang misis ni Jenes at umamin naman ito na nakipag-relasyon na ito sa ibang lalake.

Itinatanggi nito ang akusasyon na iba ang ama ng ikalawang anak nila ni Jenes gayung wala naman daw nangyayari sa kanila ng mga nagiging karelasyon niya.

Subalit ang kapatid mismo ni Rowelyn na si Joselito Reponte ang nagsasabi kay Jenes ng mga ginagawang kalokohan nito.

Sa kabila ng mabibigat na usaping nabunyag sa programa ni Tulfo patungkol sa mag-asawa, nakuha pang kumain na lamang ng saging ni Jenes habang kausap ang misis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagbiro pa itong "kumakain ng saging ang unggoy" dahil iyon umano ang insultong ibinabato sa kanya ng biyenan.

Tuwang-tuwa si Tulfo sa mga ginagawa ni Jenes na tila dinadaan na lamang sa biro ang mga seryosong usapin ng kanilang pamilya.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Kung sa ibang lalake raw ito, maaring galit na galit na ito at panay mura ang inabot ng misis subalit nanatiling kalmado si Jenes.

Dahil sa posibleng makulong ang misis kung itutuloy ni Jenes ang kaso, binigyan na lamang muna sila ni Tulfo ng oras para mapag-usapan na lamang muna ang kanilang kalagayan lalo na at may balak nang mangibang bansa na lang ni Rowelyn.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

OFW sa viral video na nagmamakaawang makaalis sa amo, tinulungan na ni Tulfo

Kamakailan, laugh trip din si Tulfo sa isang complainant nitong OFW nang ilarawan niya anak na nais niyang ipa-DNA test.

Tuwang-tuwa rin siya sa isang lola na inireklamo ang kanyang mister ngunit lumabas na sobrang selosa lamang pala nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel