Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa selosang lola na gusto lang palang maka-date ang mister

Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa selosang lola na gusto lang palang maka-date ang mister

- Tuwang-tuwa si Raffy Tulfo sa selosang lola na inireklamo ang kanyang mister at hinihinala niyang may karelasyon umano na isang kasambahay

- Napansin umano ng lola na tila nag-iba raw ang kanyang mister na laging gustong pumunta sa kanyang kapatid kung saan namamasukan ang pinagseselosang kasambahay

- Nakita umano ng lola na nakasulat sa papel ang cellphone number ng kasambahay na nakatago sa wallet ng kanyang mister

- Mariing itinanggi naman ng mister ang akusasyon ng asawa at sinabing sadyang napakaselosa lamang nito

- Napagbati naman ni Tulfo ang mag-asawa at sinagot pa nito ang dinner date ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makailang beses na napahagalpak sa kakatawa si Raffy Tulfo sa selosa na lola na pinaghinalaan ang mister na may karelasyong kasambahay.

Nalaman ng KAMI na dumulog na sa Wanted sa Radyo ni Tulfo ang lola na si Erlinda Dumaguin at inirereklamo ang mister na si Efren Dumaguin na di umano'y karelasyon ng kasambahay na si Pilar Bade.

Read also

Zeinab Harake, idinetalye ang pagbubuntis sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga

Kwento ni Erlinda, madalas daw kasing pumupunta ang kanyang mister sa bahay ng kapati nito para makipag-inom. Doon din namamasukan bilang kasambahay si Pilar na siyang pinagseselosan ni Erlinda.

Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa selosang lola na gusto lang palang maka-date ang mister
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Mas madalas pa raw kasi ang kanyang mister na nasa kapatid kung na saan ni Pilar.

Mariin namang itinanggi ni Pilar ang akusasyon at sinabing pumunta lamang si Efren sa kanila para sa ina nito na naroon din. Ni hindi nga manlang daw sila nag-uusap nito.

Maging ang mister ay matindi ang pagtanggi sa sinasabi ng kanyang misis na ubod lamang daw talaga ng pagkaselosa.

Kwento naman ni Erlinda, nakita umano niya ang cellphone number ni Pilar na nakasulat sa papel na nasa wallet ni Efren.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Iyon daw ang pinag-ugatan ng pagseselos nito. Itinanggi naman nina Efren at Pilar na nagkuhaan sila ng numero.

Read also

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

Ayon pa kay Efren, maaring gawa-gawa lamang ito ni Pilar dahil noon pa man ay mapanggawa na raw talaga ito ng kwento.

Aliw na aliw si Tulfo sa mag-asawa na kanya na lamang pinagkasundo. Sagot narin daw ni Tulfo ang dinner date ng dalawa dahil baka ito lamang daw ang kulang sa mag-asawa, ang magkaroon ng oras para lamang sa isa't isa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Janella Salvador, blooming na blooming sa mga bagong Instagram post

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang isang ama na pinapagamot ang anak na mayroong stage 3 cancer.

Gayundin ang viral lolo na nagtitinda ng basahan kahit na hirap na itong maglakad at kumilos dahil nagkaroon pala ito ng mild stroke.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel