Joel Cruz, tinuturuan ang mga anak ng mga gawaing bahay

Joel Cruz, tinuturuan ang mga anak ng mga gawaing bahay

- Bukod sa pagiging matagumpay na negosyante, marami ang humahanga kay Joel Cruz dahil sa pagiging maalaga nitong ama sa kanyang walong anak

- Sa isang panayam sa kanya, nabanggit niyang kahit marami silang kasambahay, hindi niya hinahayaang walang matutunan ang mga anak sa mga gawaing bahay

- Tumutulong umano ang mga ito at hinahayaang gawin ang ilang bagay kagaya ng paliligo at pagligpit ng kanilang pinaghigaan

- Gusto niya umanong matuto din ang kanyang mga anak ng mga bagay-bagay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Joel Cruz kung paano siya nagsimula sa pagtupad sa pangarap niyang magkaanak. Ibinahagi niya sa panayam sa kanya ng kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo na iisa lamang ang ina ng kanyang walong anak.

5th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Joel Cruz (@joelcruzaficionado)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Buboy Villar, walang pagsisi na maaga siyang naging tatay

Sa kabila ng karangyaan ng buhay niya, hindi niya hinahayaan ang mga anak na hindi matuto sa mga simpleng gawaing bahay. Mismong siya umano ang nagsabi sa kanilang mga yaya na gusto niya ay matuto ng mga bagay-bagay ang kanyang mga anak.

Hindi niya rin binilhan ng mga gadget ang mga anak at nakikihiram lamang ang mga ito ng kanyang cellphone. Nililimitahan niya rin ang oras ng paggamit nila ng kanyang cellphone at share din sila.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens na humanga sa disiplinang ito ni Joel sa kanyang mga anak:

Very good...on disciplining the kids without phone & gadgets eventhough he can afford it
Literally He is very very rich inside and out..Humble and its finest..Hope it will be a lesson to some rich people not to spoil kids and make kids brat..!
What an Amazing and inspiring story... love it. The true and genuine billionaire who is humble and not spoiler to his children in-spite of all the success. Very disciplinarian daddy. Hats off to you Mr Joel Cruz.

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Joel Cruz ay kilala din sa bansag na Lord of Scents dahil sa tagumpay ng kanyang negosyong pabango na Aficionado. Kahit walang asawa ay mayroon siyang walong anak sa pamamagitan ng vitro fertilization ngunit iisa lamang ang ina ng kayang walong anak.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ayon kay Joel, mayroon siyang mga tinuturing niyang lucky charm sa kanyang negosyo at ito ang ilang sikat na endorser ng Aficionado.

Samantala, sinabi ng ina ni Vice Ganda na nais umano niyang tularan ng anak si Joel Cruz na kahit hindi nag-asawa ng babae ay nagkaroon ng sarili niyang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel