Estudyanteng iginapang ang pag-aaral sa paglalako ng chicharon, college graduate na
- Kahanga-hanga ang kwento ni Jemaima Joy Salas na kakatapos lamang ng kolehiyo
- Naigapang niya ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalako ng chicharon at iba pang kukutin sa kanilang paaralan
- Kahit bawal, laking pasalamat niya na siya ay pinayagan lalo na at pantustos niya ito sa mga kailangan niya sa eskwelahan
- Inialay din niya ang kanyang tagumpay sa namayapang ina na alam niyang masayang-masaya ngayon sa kanyang naabot na pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ni Jemaima Joy Salas patungkol sa kung paano niya napagtapos ang sarili sa kolehiyo.
Nalaman ng KAMI na matiyagang nagtitinda ng chicharon at iba pang kukutin si Jemaima siyang ipinantustos niya sa kanyang pag-aaral.
Laking pasalamat niya sa kanilang paaralan, ang Laguna University dahil pinahintulutan siya ng mga ito na magtinda sa loob ng eskwelahan kahit na bawal talaga ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Iniaalay din niya ang kanyang tagumpay sa yumaong ina na alam niyang masayang-masaya sa kanyang pagtatapos.
Pinasalamatan din niya ang mga kapwa niya mag-aaral at mga staff ng paaralan na bumibili ng kanyang mga paninda. Dahil kasi sa mga ito, mayroon siyang panggastos hindi lamang sa skwelahan kundi maging sa mga pang-araw araw niyang pangangailangan.
Narito ang kabuuan ng kanyang nakakaantig ng pusong post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, hinangaan din ang isang balut vendor na nagawang mapagtapos ang anak sa kolehiyo. Labis naman ito ipinagpapasalamat ng anak at talagang proud sa ama na naigapang ang kanyang pag-aaral.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang call center agent na nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng pagod at puyat niya sa trabaho.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilan lamang sila sa mga magpapatunay na talaga namang may magandang maibubunga ang kasipagan at determinasyon kung nais na makamit ang mga minimithing pangarap sa buhay.
Magsilbing aral nawa ang kanilang mga kwento na sa kabila pa ng kinahaharap nating pandemya ay 'di dapat tayong panghinaan ng loob bagkus ay nararapat lamang na mas lalong magpakatatag at magsumikap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh