Buboy Villar, napagsama sa iisang bahay ang mga magulang at kanyang stepfather

Buboy Villar, napagsama sa iisang bahay ang mga magulang at kanyang stepfather

- Sa isang panayam kay Buboy Villar ay inamin niyang hindi naging magandang ehemplo sa kanya bilang tatay ang kanyang ama

- Gayunpaman, bilang isang tatay na rin, ayaw niya umanong magsisi siya kapag hindi niya ito pinatawad

- Para matulungan at masuportahan din ang kanyang tatay, kinausap niya umano ang nanay niya kung pwede niyang patirahin sa bahay nila ang kanyang ama

- Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ng ibang karelasyon ng kanyang ina matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ikinaila ni Buboy Villar na hindi naging magandang ehemplo ang kanyang ama sa kanya. Ito ay kanyang ibinahagi sa panayam sa kanya ng beteranang kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo.

Buboy Villar, napagsama sa iisang bahay ang mga magulang at kanyang stepfather
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mga anak na architect at engineer, proud sa amang construction worker na napagtapos sila

Sa kabila ng pagkakaroon ng ibang karelasyon ng kanyang ina matapos magkahiwalay ang kanyang mga magulang, kinausap umano ni Buboy ang kanyang ina upang ipagpaalam na patirahin sa kanilang bahay ang kanyang ama.

Aniya, ayaw niyang dumating ang panahon na huli na ang lahat bago niya patawarin ang ama dahil alam niya umano ang pakiramdam kung paano maging isang ama.

Ibinahagi niya rin na maayos at nagkakausap naman ang kanyang nanay at tatay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel