Pera ng 4-anyos na batang kusang nag-ipon, nakatulong sa panganganak ng ina
- Hinangaan ang apat na taong gulang na bata sa Lanao Del Norte dahil sa kusang loob niyang pag-iipon
- Dahil sa kanyang naimpok na pera, mayroon silang nagamit sa gastusin sa panganganak ng kanyang ina
- Ngayon, patuloy pa rin na nag-iipon ang bata para naman sa kanyang pag-aaral sa susunod na panuruang taon
- Hindi man nakapagsasalita at nakakarinig ang kanyang mga magulang, naipadadama naman ng mga ito ang labis na pasasalamat sa mabuting gawain ng kanilang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na hinangaan ng marami ang 4 na taong gulang na bata mula Lanao Del Norte na kusang nag-iipon ng pera.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng kanyang tiyahin na si Marefe Sanes ang mabuting gawain ni Althea na napakinabangan ng kanilang pamilya sa panahon ng pangangailngan.
Kwento ng kanyang Maefe, taong 2018 pa nang matuto si Althea na mag-impok. Wala raw nagturo sa bata na gawin ito ngunit kusa siyang nagtatabi ng mga ibinibigay sa kanyang pera papel man o barya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nito lamang Enero, napatunayan na ang pag-iipon ni Althea ay napakahalaga sa kanilang pamilya dahil nagamit ito sa gastusin sa panganganak ng kanyang ina.
Umabot sa Php1,500 ang naipon noon ni Althea na labis na ipinagpapasalamat ng kanyang mga magulang kahit pa hindi makapagsalita at hindi makarinig ang mga ito.
Matapos na masaid ang ipon, naisipan niyang mag-impok muli mula sa perang ibinibigay sa kanya ng mga kaanak.
Ayon pa kay Althea, inilalaan niya ngayon ang naipong pera para sa mga gamit sa paaralan sa susunod na panuruang taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, nag-viral ang isa ring bata mula sa Occidental Mindoro nang kusa itong magbigay ng kalahating sako ng kamote sa kanilang community pantry.
Ang mas nakamamangha pa rito, hindi lamang isang beses ginawa ito ng batang si Ornelo "Don Don". Sa tuwing may maaani silang kamote, nagbibigay sila sa kanilang pantry dahil alam daw nila ang pakiramdam ng walang makain.
Dahil sa kabutihan na ito ni "Don", nabigyan din ng tulong ang kanyang pamilya tulad ng pagkain, habang siniguro naman ng isang organisasyon ang edukasyon niya sa pagbibigay sa kanya ng scholarship.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh