Ama, nagulat sa biglaang pagkamatay ng anak na di sinabing nakagat siya ng aso

Ama, nagulat sa biglaang pagkamatay ng anak na di sinabing nakagat siya ng aso

- Nagulat ang pamilya ng 11-anyos na bata na pumanaw dahil umano sa rabies

- Hindi kasi nalaman agad ng kanyang pamilya na nakagat pala siya ng aso

- Ayon sa kalaro nito, isang linggo na halos ang nagdaan nang makagat ito ng aso na pilit pa rin na itinatanggi ng bata

- Subalit halos lahat ng nangyari sa bata tulad ng di pag-inom ng tubig, pagkabalisa at tuluyan nang paninigas ng o nag-lock na panga ay nangyari sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nanaghihinagpis ang pamilya lalo na ang ama ng 11-anyos na batang si Poul Amber Bantillo sa Marilao, Bulacan nang bigla itong pumanaw dahil sa rabies.

Nalaman ng KAMI na inilihim ng bata na nakagat siya ng aso.

Sa ulat ng GMA News, nalaman na lamang ng ama ng biktima na nakagat umano ito ayon sa kanyang kalaro. Pilit naman itong itinatanggi ng bata.

Read also

Nestle Chuckie, ipina-Tulfo dahil sa kakaibang itsura at lasa nito

Ama, labis na naghihinagpis sa pagkamatay ng anak na inilihim pa na nakagat siya ng aso
Photo from PxHere
Source: UGC

Subalit ilang araw bago ito bawian ng buhay, napansin na ng kanyang pamilya ang kakaibang kinikilos ni Poul.

Hindi raw ito nakakakain ng maayos at napansin din nila ang labis nitong pagkabalisa.

Subalit ang isa sa labis nilang ikinabahala ay hindi na raw ito umiinom ng tubig na isa sa mga epekto ng rabies.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hanggang sa tuluyan nang nag-lock ang panga nito. Kwento pa ng kanyang kaanak, nagtatakbo pa si Poul nang dumating ang ambulansya.

Nang makarating sa ospital, nagawa nang itali ang bata lalo na at nakumpirma na ng mga doktor na rabies ang sanhi ng mga ipinakikita ng bata.

Patuloy itong nagwawala hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil

Isang taon halos ang nakararaan nang masawi ang isang dalagita sa Cotabato dahil sa rabies. Sa halip kasi na sa ospital nagpagamot ay mas pinili nitong magpunta sa tradisyunal na manggagamot.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kung ang ilan ay napeperwisyo ng mga aso na nagkalat sa kalsada, hindi pa rin mawawala ang mga kwento ng asong nanatiling tapat sa kanilang mga fur parents. Matatandaang nag-viral ang video noon ng isang aso na nagawang yakapin at pakalmahin ang amo na umiiyak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica