Dalagitang nakagat ng tuta noong Disyembre, hinihinalang nasawi dahil sa rabies

Dalagitang nakagat ng tuta noong Disyembre, hinihinalang nasawi dahil sa rabies

- Nasawi ang isang dalagita sa Cotabato nitong linggo dahil sa rabies

- Lumabas na noong Disyembre ay nakagat ito ng isang tuta na sumunod daw dito habang nagja-jogging ito

- Ngunit sa halip na magpa-doktor ay sa isang tradisyunal na manggagamot daw ito nagpagamot

- Hinatid ito sa huling hantungan sa araw ng kanyang ika-16 na kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Pumanaw ang isang dalagita sa M'lang, Cotabato na hinihinalang dahil sa rabies.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakagat ng isang tuta ang biktima na kinilalang si Pinky Tuble noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sinundan umano ang dalagita ng tuta habang nagja-jogging ito.

Ngunit sa halip na magpa-doktor ay sa isang tradisyunal na manggagamot daw ito nagpagamot.

Wala raw kakaibang naramdaman si Tuble pagkatapos nito.

Pero nitong linggo lamang ay nagpakita ito ng mga sintomas ng rabies.

Agad na pumanaw ang dalagita.

Hinatid ito sa huling hantungan sa mismong araw ng kaarawan nito.

Ayon sa Department of Health, 200 hanggang 300 na biktima ang namamatay dahil sa rabies sa bansa.

Karaniwang nakukuha ang rabies mula sa kagat o laway ng mga hayop. Ngunit maaari ring magkaroon ng rabies kahit na hindi nakagat ng hayop.

Mabilis na kumakalat ang virus na ito sa spinal cord at utak kapag pumasok na sa katawan ang rabies.

Kabilang sa mga sintomas ng rabies ay lagnat at pananakit ng ulo, pananakit o pamamanhid ng bahaging kinagat ng hayop, deliryo o pagkabalisa, pamumulikat ng kalamnan at pagkatakot sa tubig at hangin.

Ayon pa sa DOH, hindi agad lumalabas ang mga sintomas ng rabies. At wala na rin daw lunas kung lumabas na ang mga sintomas.

Dahil dito, mahalaga na alam natin ang first aid para rito.

Payo ng DOH, dapat na agad hugasan ang sugat ng sabon at dumadaloy na tubig.

Importante rin na mabakunahan ng doktor. Bantayan ang hayop na nakakagat at obserbahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone