Babaeng nagviral ang post nang na-ospital siya sa sobrang paglalaro ng mobile games, nanganganib na ang buhay

Babaeng nagviral ang post nang na-ospital siya sa sobrang paglalaro ng mobile games, nanganganib na ang buhay

- Nag-viral kamakailan ang post ni Mary Mundoc Idanan kung saan nakapagpicture pa siya sa ospital at inamin na dahil ito sa sobrang paglalaro ng Mobile Legends

- Nagbigay ng update ang kanyang pinsan at sinabing may dating karamdaman pala si Mhary na lumala dahil sa labis na pagpupuyat

- May namuong dugo na sa utak ni Mhary kaya naman mas lalong lumubha ang kalagayan nito at humihingi na ng tulong ang kanyang mga kamag-anak ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay nag-viral ang post ng isang Mhary Mundoc Idanan kung saan nakapagpost pa siya sa social media kahit na siya ay naospital na sa sobrang paglalaro ng sikat na laro ngayon, ang mobile legends.

Inamin ni Mhary na labis labis ang paglalaro niya ng mobile legends mula 10pm hanggang 6am kaya naman madalas siyang walang tulugan.

Ngayon, lumabas naman ang post ng kanyang pinsan na humihingi ng tulong para kay Mhary na hindi na maganda ang kalagayan ngayon.

Nalaman ng KAMI na bago pa man ma-ospital si Mhary sa labis na pagpupuyat dala ng sobrang paglalaro ng mobile legends, may roon na palang komplikasyon sa puso si Mhary.

Lumala ang kanyang kalagayan dahil sa pagpupuyat at biglang maliligo. Na-stroke na ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Babaeng nagviral ang post nang na-ospital siya sa sobrang paglalaro ng mobile games, nanganganib na ang buhay

Ito na ang kalagayan ni Mhary ngayon (Source: supplied)

May namuo nang dugo sa kanyang utak ngunit ayon sa doktor, baka di na kayanin ng operasyon dahil sa dami ng komplikasyon ng kanyang katawan.

Narito ang kabuan ng post ng pinsan ni Mhary na binahagi sa KAMI at humihingi rin ng tulong para sa dalaga.

This fast few days nagviral sa FB ang post ni Mhary Mundoc Idanan about sa labis na paglalaro ng Mobile Legends. Madami ang naki-simpatya sa kalagayan nya at may ilan din naman na nagbash sakanya . Ito po ang kasalukuyang kondisyon nya na kung saan sya ay medyo nahihirapan dahil sa pagka stroke ng kaliwang bahagi ng katawan nya at sabi ng doktor may namuong dugo sa kanyang utak, mahina rin ang kanyang baga. Ngayon po bilang pinsan , kapit bahay at kaibigan kami po ay lumalapit sainyo na humihingi ng kahit konting tulong para sa mga gastusin ospital at mga gamot nya, para po sa may mga malalambot na puso kami po ay kumakatok sainyo. Makipag ugnayan nalang po sakin at kila Rose Ann Santelices MB Gonzales Macunat

Babaeng nagviral ang post nang na-ospital siya sa sobrang paglalaro ng mobile games, nanganganib na ang buhay

Babaeng nagviral ang post nang na-ospital siya sa sobrang paglalaro ng mobile games, nanganganib na ang buhay

Sa mga kamag anak at kaibigan ni Mhary maari po bang ishare nyo rin po ang post na ito para makatulong tayo sakanya. Pakiusap naman po wala nalang po sana mag cocomment na hindi maganda, wala na po sana mag bash at lets pray nalang po para kay Mhary para sa fast recovery nya at tuluyan na syang gumaling . Maraming Salamat Po.

ahmmm. before kasi mangyari yan . talagang may sakit na sya sa puso may butas. tapos yung likuran nya po may bukol narin since grade 6 palang. so parang nagtrigger nalang dahil sa kakapuyat nya tapos bigla sya maliligo . so after nun nastroke na yung half body nya . at sabi daw saknila ng doc. may namu ng dugo sa utak nya . kaylangan daw po sya operahan . pero ansabi din baka hindi narin daw kayanin ng patient due to complications sa katawan nya m

Harassment: the great fear of every woman. How would you define harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel