Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na 'broken-hearted' ayon sa kaibigang pari

Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na 'broken-hearted' ayon sa kaibigang pari

- Sa homiliya ng kaibigang pari ng yumaong Pangulo na si Noynoy Aquino, sinabi nitong 'broken-hearted' si PNoy

- Sa palitan nila ng text messages, napag-usapan nila ang problemang medical sa puso ng dating Pangulo

- Subalit sinabi nitong mayroon pa siyang problema sa puso na hindi umano kayang gamutin sa ospital

- Sinabi ng pari na may kaugnayan umano ito sa mga kaganapan matapos ang termino ni PNoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinasabing dalawang problema sa puso ang dala-dala ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang pagpanaw.

Nalaman ng KAMI na naisiwalat ito ng kaibigan niyang pari na si Fr. Jose Ramon Villarin SJ, na siyang nagbigay ng homiliya sa misang alay sa yumaong Presidente ng Pilipinas na ginanap sa Church of Gesú sa Ateneo de Manila.

Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na 'broken-hearted' ayon sa kaibigang pari
Photo: Former President Noynoy Aquino with Kris, Josh and Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Ayon sa pari, minsan niyang nakapalitan ng text message ang kaibigan kung saan napag-usapan nila ang karamdaman nito sa puso.

Read also

Hearing sa kaso ni Jonel Nuezca, tapos na; Mahahatulan na sa Agosto

"Sabi niya the heart got enlarged because it was working so hard to remove the fluid because efficiency was down due to the blockage..."
"Pahinga ka pa at hayaan mong humilom ang puso"

Subalit isa umanong problema sa puso ng Pangulo ang hindi raw umano kayang malunasan sa ospital o ng kung sino mang doktor.

“Akala ko tapos na sumagot na naman, sumagot siya sa text. Sabi niya ‘'yung isang klaseng broken heart, di kaya dito"

Dagdag pa ni Fr. Villarin, tila may kaugnayan ito sa mga kaganapan matapos umano ang termino ni Pangulong Noynoy noong 2016.

May mga hapon na ibinuhos niya sa amin ni Cardinal Chito Tagle ang tampo niya sa simbahan pati na sa mga Heswita,"
"Ang mga issue niya sa sistema ng katarungan 'di lamang sa Korte Suprema. Naroon lagi ang tampo sa bagal ng kilos sa kupad ng pagtakbo ng pag-unlad ng bansa”

Narito ang kabuuan ng homiliya na naibahagi rin ng Inquirer:

Read also

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Emosyonal ding naibahagi ng kanyang longtime driver na si Nory Mariano ang mga huling sandali ng dating pangulo bago ito tuluyang mamaalam noong Hunyo 24.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica