Hearing sa kaso ni Jonel Nuezca, tapos na; Mahahatulan na sa Agosto

Hearing sa kaso ni Jonel Nuezca, tapos na; Mahahatulan na sa Agosto

- Nagbigay si Raffy Tulfo ng update kaugnay sa itinatakbo ng kaso ni Jonel Nuezca, ang dating pulis na nakabaril sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio

- Ayon kay Atty. Freddie Villamor, tapos na ang hearing at inamin naman ni Nuezca na nabaril niya ang mag-ina

- Subalit nagawa lamang daw niya ito dahil sa pagkanta ni Sonia sa anak ni Nuezca na naroon din nang oras na iyon

- Sa Agosto nakatakdang hatulan si Nuezca kung homicidé o murder ang ipapataw na kaso sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo, nagbigay ito ng update tungkol sa itinatakbo ng kaso ni Jonel Nuezca, ang dating pulis na nakabaril sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio noong Disyembre 2020.

Nalaman ng KAMI na mismong si Atty. Freddie Villamor na dumalo sa hearing ni Nuezca sa Paniqui, Tarlac ang nagbigay ng mga pinakahuling kaganapan sa kaso.

Read also

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

Hearing sa kaso ni Jonel Nuezca, tapos na; Mahahatulan na sa Agosto
Photo: Jonel Nuezca (Peach Prosa)
Source: Facebook

Ayon sa kanya, tapos na ang hearing at cross examination ng mga evidence sa Nuezca case.

"Magandang balita idol, natapos na po ang kaso, hihintayin na lang nating magka-desisyon sa August 26."

Humanga rin si Atty. Villamor sa judge na humahawak sa kaso sa mabilis na paglilitis nito.

"Would like to give credit to the judge sa mabilis na paglilitis ng kaso, today was tha last day for the presentation of defense evidence. Cross examine po ng ating abogado si Policeman Nuezca"

Inamin naman umano ng dating pulis na binaril nga niya ang mag-ina subalit depensa nito, nagdilim lamang daw ang kanyang paningin nang kantahan umano ni Sonia ang kanyang anak matapos nitong masambit ang "My father is a policeman."

"Nawala siya sa sarili niya at hindi na niya alam ang ginawa niya, bumalik na iyong ulirat niya, 'dun niya na-realize nabaril na pala niya 'yung dalawa"

Maging si Tulfo ay natuwa sa mabilis na pag-usad ng kaso at sinabing patuloy silang tututok hanggang sa malaman ang hatol kay Nuezca sa Agosto.

Read also

Barbie Hsu, sinabing nag-file siya ng divorce sa asawa ng 10 taon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Kamakailan, isa na namang pulis ang umano'y walang-awang namaril ng isang 52-anyos na ginang sa Fairview, Quezon City. Bukod sa nakainom ang pulis na nakilalang si Police Master Sgt. Hensie Zinampan, naipong galit umano ang sinasabi niyang dahilan ng pananabunot at pamamaril sa ginang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel