Viral na dalaga sa TikTok at hinahanap niyang kababata, nagkita na dahil sa KMJS

Viral na dalaga sa TikTok at hinahanap niyang kababata, nagkita na dahil sa KMJS

- Sa tulong ng programang KMJS, nagkita na ang magkababatang sina Yen at Kenneth

- Nag-viral ang post ni Yen kung saan nagawan niya ng TikTok video ang paghahanap niya sa hinahanap niyang childhood friend

- Marami ang nagpakilalang "Kenneth" ngunit tila nakikisakay lamang ito lalo na at viral na ang video

- Hanggang sa mayroong nagmensahe kay Yen at sinabing at alam kung sino at nasaan ang tunay na "Kenneth

- Maging si Kenneth ay gumawa na rin ng TikTok video na nagpapatunay na siya nga ang hinahanap ni Yen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa kwentong naibahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa nag-viral na TikTok video ng isang dalaga na hinahanap ang kanyang childhood friend.

Nalaman ng KAMI na ang dalagang si Juliene Karl Genove o Yen mula Puerto Princesa, Palawan ang gumawa ng TikTok video kung saan ipinakikita niya ang mga larawan nila ng kanyang kababata na si Kenneth Español.

Read also

Vice Ganda, tinalikuran ang pag-iinom at pagyoyosi para kay Ion Perez

Nag-viral na dalaga sa TikTok at hinahanap niyang kababata, nagkita na sa tulong ng KMJS
Photo: Kenneth Español (TikTok:@watatah)
Source: UGC

Naging usap-usapan sa TikTok ang naturang video at marami ang nagpakilala na sila raw si Kenneth. Subalit natatawa na lamang si Yen dahil alam niyang hindi ang mga ito ang hinahanap niyang kaibigan.

Nang makapanayam na sila ng KMJS, naikwento ng ina ng binata na biglaan nga silang umalis sa boarding house kung saan nakatira rin ang pamilya nina Yen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi manlang nakapagpaalam si Kenneth sa kanyang kababata.

Ngunit dahil sa TikTok video, muli silang nagkatagpo. Sa tulong din ng prgrama ni Jessica Soho, nagkatagpo na ang dalawa kahit tatlong oras ang layo at biyahe ng kinaroroonan nila sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Read also

Inang nag-grocery at mala-piyestang sinalubong ng kanyang anak, viral

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga kinagiliwan din ng mga Pinoy ay ang TikTok video kung saan tila naiwan sa ere ang isang bridesmaid na todo hataw sa pagsayaw habang ang groomsman naman na kanyang partner ay napapalakpak na lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel