Inang nag-grocery at mala-piyestang sinalubong ng kanyang anak, viral

Inang nag-grocery at mala-piyestang sinalubong ng kanyang anak, viral

- Kinagiliwan online ang video ng isang ina na parang dumating sa piyestahan nang salubungin ng kanyang anak

- Ayon sa anak nito na nag-upload ng video, nagtext ang ina na salubungin sila

- Marami raw kasi silang pinamili kaya naman nagpapatulong ang mga ito sa pagdadala

- Tuwang-tuwa maging ang tricycle driver na nakisayaw pa habang tumutulong na mailapag ang mga pinamili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng isang ina na sinalubong ng kanyang anak na animo'y nasa isang piyestahan.

Nalaman ng KAMI na nagtext ang ina na salubungin sila gayung marami silang pinamiling grocery.

Kwento ng uploader na si Marco Cantor, nang magtext ang kanyang ina na si Pinkie, nagkataong sila ay nagvi-videoke.

Inang nag-grocery at mala-piyestang sinalubong ng kanyang anak, viral
Photo from Marco Cantor
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Video ng foreigner couple na matatas mag-Tagalog, kinagiliwan ng netizens

Kaya naman nang dumating ang ina, hawak ng anak ang mikropono at inanunsyo ang pagdating ni "Pinkie Cantor" na kanila raw sasalubungin.

Bukod sa pag-anunsyo, mala-fiesta feels pa ang music na ginamit ni Marco sa pagsalubong sa ina.

Maging ang tricycle driver na naghatid kay Pinkie at tumulong sa paglapag ng mga pinamili nito ay nakisayaw hanggang sa makarating sila sa gate.

Tuwang-tuwa rin ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya na game na game sa pakulo ni Marco.

Mayroon nang 88,000 views ang nakakaaliw na video na ito. Naibahagi rin ito sa TikTok.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga kinagiliwan din ng mga Pinoy ay ang TikTok video kung saan tila naiwan sa ere ang isang bridesmaid na todo hataw sa pagsayaw habang ang groomsman naman na kanyang partner ay napapalakpak na lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel