Video ng foreigner couple na matatas mag-Tagalog, kinagiliwan ng netizens

Video ng foreigner couple na matatas mag-Tagalog, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang TikTok video ng foreigner couple na matatas mag-Tagalog

- Tinanong kasi sila ng isang Pinoy sa wikang Filipino o Tagalog at naintindihan naman nila ito

- Bukod pa rito, nasagot din ang Pinoy ng foreigners na matatas mag-Tagalog

- Umabot na sa 4.3 million ang views ng naturang viral video sa TikTok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng maraming netizens ang TikTok video ni Martin Dominic (@martindominics) kung saan nagtanong siya sa dalawang foreigner sa wikang Tagalog.

Marami ang namangha nang maintidihan umano si Martin ng couple nang tanungin niya ito kung saan pwedeng mag-park nang walang bayad.

Video ng foreigner couple na matatas mag-Tagalog, kinagiliwan ng mga netizens
Photo from Martin Dominic
Source: UGC

"Magkaliwa ka diyan tapos diretso ka, yan!" ang sagot sa kanya ng lalaki. Habang ang kasama naman nitong babae ay nagawa pang magsabi ng "Ingat kayo" sa mga Pinoy na nagtanong sa kanila.

Read also

Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

May caption ang post ni Martin na "Imagine kung FILIPINO ang universal language! #fyp #travel #filipino."

Natuwa ang maraming Pinoy sa video kung saan mayroon na itong 4.3 million views sa TikTok at may 750.2K likes na rin ito.

Ilan sa mga netizens ang nakapagsabing pawang mga naging misyonero sa bansa ang couple kaya naman naging matatas itong managalog.

Samantala, ang ilan naman ay hindi lamang naaliw kundi naging proud sa kanilang wika na maging ang may ibang nasyunalidad ay nakakaya na rin itong bigkasin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaaliw siyang panoorin, very casual ng pagsagot nila nakaka-proud!"
"What if universal na nga ang wikang Filipino? Ang saya siguro na kahit saan ka pumunta keri lang na mag-tagalog"
"What? Ang fluent nila ah. Ang cute!"
"Kahit pa sabihin nilang kakilala nila yung foreigners at tinuruan nila, ang galing ng delivery nakakatuwa"

Read also

Dating service crew, ipinagmamalaki pa rin ang Jollibee sa kabila ng kontrobersiya

"Cool! naintindihan nila tapos nasagot nila ng diretso with matching "ingat kayo" sa huli pa!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Isa sa mga kinagiliwan din ng mga Pinoy ay ang TikTok video kung saan tila naiwan sa ere ang isang bridesmaid na todo hataw sa pagsayaw habang ang groomsman naman na kanyang partner ay napapalakpak na lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel