Moira Dela Torre, nagbigay-linaw sa unfollowing issue at dating friends
- Sa unang pagkakataon matapos ang mahigit isang taon, nagsalita si Moira Dela Torre tungkol sa naging lamat sa relasyon niya sa ilang showbiz friends na nagsimulang mapansin matapos ang serye ng Instagram unfollowing noong 2025
- Itinanggi ni Moira na may sinabi siyang dahilan para layuan siya ng mga kaibigan at nilinaw na isang malapit na kaibigan lamang ang kaniyang napagkuwentuhan tungkol sa ilang personal na bagay
- Inamin naman ng singer-songwriter na may mga hindi pagkakaunawaan na hindi nila napag-usapan nang direkta at kinilala rin niya ang ilang bagay na nagawa niya habang siya ay nasasaktan
- Sa kabila ng naging lamat sa ilang pagkakaibigan, sinabi ni Moira na hindi niya itinuturing na sarado ang lahat ng pinto at umaasa siyang magkakaroon sila ng pagkakataong magkaayos balang araw
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa wakas ay nagsalita si Moira Dela Torre tungkol sa naging paglayo ng ilang showbiz friends sa kaniya matapos mapansin ng mga netizen ang sunod-sunod na Instagram unfollowing noong unang bahagi ng 2025.

Source: Instagram
Hinarap ng singer-songwriter ang isyu sa press conference para sa kaniyang concert na Where It All Started, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Oktubre 4, 2026.
Diretsahang tinanong si Moira kung may nasabi o nagawa ba siya sa kaniyang mga kaibigan na naging dahilan ng kanilang pag-unfollow.
“No, I didn't,” sagot niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nilinaw rin niya ang naging usap-usapan na maaaring may sinabi siya tungkol sa kaniyang mga kaibigan sa likod ng mga ito.
“I opened up to a close friend of mine, but I didn't backstab anyone. Not in that way. I wouldn't do that. They're all safe with me. So, it was just one close friend, one. But it wasn't that way. Not that way,” pahayag niya sa PUSH ABS-CBN.
Bagama't hindi nagbanggit si Moira ng mga pangalan, sinabi niyang may mga hindi pagkakaunawaan na naging bahagi ng nangyari.
“I know that a lot of the things that happened had something to do with a lot of misunderstandings. And we never got to talk about it,” ani niya.
Kaugnay nito, nagpasalamat pa rin siya sa kaniyang dating management at sa mga taong naging bahagi ng kaniyang career.
“And it was with my previous management, whom I'm very, very grateful for. And I wouldn't be where I am now without them. So, I'm very thankful for them,” dagdag niya.
Pinili rin niyang huwag nang ilabas ang iba pang detalye tungkol sa naging problema.
“And whatever happened between all of that, I would like that to be between us. Because I still believe that, I still love them very much. And I'm very happy for all of their successes,” saad niya.
Ayon kay Moira, marami siyang nawalang kaibigan sa pinagdaanan niyang ito, ngunit hindi niya nakikitang tuluyan nang nasira ang kanilang mga relasyon.
“For me, I'm still hopeful that none of us really burned bridges. And a lot of us just need a little bit of time. I think a lot of us just hurt differently. And ako po, I acknowledge that there were things na nagawa ko po when I was hurting na hindi ko po sinasadya. And there were things na hindi ko po sila masisisi for how they reacted, and that's okay,” pahayag niya.
Binigyang-diin din niya na totoo para sa kaniya ang mga naging samahan nila.
“But I know that what we all had was real. They're all good people, and I'm really, really grateful for the memories that we all had and shared,” dagdag ng singer.
Nang tanungin kung sino ang dapat sisihin sa naging paglayo, malinaw ang sagot ni Moira.
“Huwag din po natin ialis sa kanila na nasaktan ko sila. Kasalanan ko po. Kunin na natin 'yan,” aniya.
Idinagdag pa niya, “Wala po silang ginawang masama [about] all the unfollowing.”
Nang tanungin kung nagkaroon na ba sila ng pagkakaayos, sinabi ni Moira na mayroon na, ngunit pinili niyang huwag nang magbigay ng maraming detalye.
“Yeah. But I think it's just very hard to be in the middle. I just, I don't wanna say so much,” sabi niya.
Sa kabila ng lahat, sinabi ni Moira na nais pa rin niyang maibalik ang ilang pagkakaibigan.
“And I'm so hopeful for reconciliation someday,” pahayag niya.
Nagpasalamat din siya sa mga kaibigang nanatili sa kaniyang tabi, kabilang sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Erik Santos at Angeline Quinto.
Naging malaking usapin online ang unfollowing issue noong Enero 2025. Napansin noon ng mga netizen na nawala sa following list ni Moira ang ilang personalidad, kabilang sina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos at TJ Monterde, na pawang konektado sa Cornerstone Entertainment.
Nang panahong iyon, napabalitang natapos na rin ang ugnayan ni Moira sa kaniyang matagal nang management, bagama't hindi agad naging malinaw sa publiko ang mga detalye.
Noong Pebrero 2025, kinumpirma naman ni Sam Milby na hindi na sila magkaibigan ni Moira. Nilinaw din niya na walang kaugnayan si Moira sa hiwalayan nila ni Catriona Gray at hindi siya naging third party sa kanilang relasyon.
Bago ang kaniyang pagharap sa press conference, muli nang nagsalita si Moira tungkol sa personal na buhay at career matapos ang mga pinagdaanan niya.
Noong Hunyo 2026, muling humarap si Moira sa media matapos ang ilang panahong pag-iwas sa mga tanong tungkol sa kaniyang personal na buhay. Sa naturang KAMI report, ibinahagi niya na masaya at payapa na siya, habang sinabi rin niyang natutunan niyang magtakda ng mas maayos na boundaries. Nabanggit din niya ang bagong bersyon ng “San Ka Na” kasama ang Parokya ni Edgar.
Sa isa pang KAMI report na inilathala nitong Setyembre 17, sinabi naman ni Moira na maayos na ang kanilang pakikitungo ni Jason Hernandez. Ayon sa kaniya, civil na sila at masaya siyang nakapagpatuloy na ang mga taong naging bahagi ng kanilang nakaraan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh




