Sagutan ni Chloe San Jose at ng pamilya Yulo sa social media, muling uminit
- Muling naging sentro ng usapan online sina Chloe San Jose at Angelica Yulo matapos silang magpalitan ng komento sa isang Facebook post na may kaugnayan sa posibilidad ng imbitasyon sa kasal nina Chloe at Carlos Yulo
- Direktang tumugon si Chloe sa ilang komento ni Angelica at ng lola ni Carlos na si Angelita Villaflor Poquiz Frisco, kabilang ang mga pahayag na may kaugnayan sa kanilang dating hindi pagkakaunawaan
- Sa gitna ng palitan, nagbanggit din si Chloe tungkol sa isang dating pag-uusap nila ni Angelica at sa usapin ng bahay sa Cavite, habang naglabas naman si Angelita ng sariling panig tungkol sa kanilang pamilya
- Patuloy na pinag-uusapan ang relasyon ng magkabilang panig habang sina Carlos at Chloe ay nananatiling magkasama at ilang ulit nang naging tampok ang kanilang wedding plans sa mga panayam
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling napag-usapan online ang isyu sa pagitan nina Chloe San Jose at pamilya Yulo matapos ang sunod-sunod na komento sa isang Facebook post tungkol sa posibleng kasal nina Chloe at Carlos Yulo.

Source: Instagram
Nagsimula ang palitan nang magbahagi ang isang netizen na sinabing kaibigan ni Angelica Yulo ng larawan ng ina ni Carlos na nakasuot ng pulang gown.
Iminungkahi rin ng netizen na maaari itong maging damit ni Angelica sakaling maimbitahan siya sa huling minuto sa kasal nina Carlos at Chloe. Kaugnay ito ng mga nauna nang pahayag ng magkasintahan tungkol sa kanilang plano para sa magiging kasal.
Sa post, isinulat ng netizen: “Hindi ko alam 'to pero ngayon nalaman ko na Miss A — maganda ang red suotin sa kasal para laging Pasko ano? Umamin ka favorite color mo 'yan kaya kahit anong motif push ang red gown mo ❤️❤️❤️,”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya: “Kung sakaling magbago naman ang isip nila, so ready ka na 'di ba? Ito ang dapat mong suotin para makatipid ka na at 'di ka na bumili ng gown mo. Mag-red ka para naman stand out ang ganda mo! Sandali nasabihan ka ba? 😆🤣🤣🤣”
Sumagot naman si Angelica ng: “Wooooiiiiii ahahah.”
Kalaunan, nakisali rin si Chloe sa comment section at direktang tinugunan si Angelica.
Aniya: “Ma'am angelica kung mag kkwento ka, kwento mo 'yung totoong nangyari. Ayaw mo ba malaman nila na nagyakapan pa tayo huhuhu 🥰🥰🥰,”
Hindi doon nagtapos ang palitan. Sa isa pa niyang komento, sinabi ni Chloe na nagkaroon umano sila ng maayos na pag-uusap at may ilang taong nakasaksi nito.
Isinulat niya: “Angelica Yulo, baka naman gusto mo ikwento na nag usap-usap na tayo ng maayos? Saksi lahat ng mga anak mo at asawa mo + isa sa mga pinakamalapit mo na kaibigan. Maka-post 'tong friend mo kuno halatang hindi ka nag kukwento ng totoo sakanya/sakanila LOLLLL HAHAHAH sabagay palabas mo nga sa iba nag walkout ka?? Eh nagyakapan nga tayo bago maghiwa-hiwalay. SENDINGS HUGSSS THO 🤍🤍🤍 P.S. 'Di lang ako makapag comment with my personal account, unblock mo na kasi ako chiii,”
Makalipas ang ilang minuto, nagkomento pa si Chloe: “Angelica Yulo, gusto mo lang naman pala ata ma-invite, sana sinabi mo na lang. I told you, we can all be civil—but well, you're clearly not willing to 😌.”
Sumali rin sa usapan si Angelita Villaflor Poquiz Frisco, lola ni Carlos. Sa isang komento, sinabi niya: “MGA nagpapansin lang 'yan. Iniwan kasi sila ni Yza (youngest sister of Carlos) sa ere eh,”
Tumugon si Chloe at binanggit si Yza, bunsong kapatid ni Carlos, habang nagpalitan din sila ni Angelita ng magkakaibang pahayag tungkol sa nangyari.
Sa isang bahagi ng kanilang exchange, sinabi ni Angelita: “Wala kayong magawa pareho kaya nambubulabog na naman kayo. Nanahimik na ang MGA anak KO. Nagpasabog na naman kayo SA akala n'yo pag inimbita n'yo MGA magulang nila Drew pupunta SA kasal n'yo ANO? Para magmukain mong tnga,”*
Napunta rin ang usapan sa isang property sa Cavite at sa tanong ng isang netizen kung naibenta na ba ito at naibalik kay Carlos ang halaga, gaya ng naunang pahayag na binanggit sa thread.
Sumagot si Chloe: “HINDI! HAHAHAHAH nung nag-usap kami end of last year, babalik niya daw. Hanggang ngayon wala mhiiiie, nag-follow up pa si Caloy—sabay sabi ayaw daw niya kausapin.”
Nagbahagi naman si Angelita ng screenshot na ayon sa kanya ay mensahe ni Carlos kay Angelica. Sa naturang screenshot, ipinagtanggol umano ng gymnast si Chloe at ipinaliwanag ang naging pakikipag-usap niya sa kanyang pamilya.
Kasunod nito, naglabas din si Chloe ng screenshot ng sarili niyang mensahe kay Yza na naglalaman ng imbitasyon na pumunta sa kanila.
Sinabi niya: “Oh talaga pinabayaan siya? Pinapapunta namin siya, hindi siya pumunta. SINUNGALING TALAGA YANG SI YZA,”
Tumugon si Angelita: “Sinabi ni Yza papapuntahin n'yo pagagalitan n'yo eh ayaw na SA inyo tanggapin n'yo,”
Sagot naman ni Chloe: “Talagang papagalitan namin siya sa kamalian niya, bumalik yan sa inyo kasi mga kunsintidor kayo sa ugaling meron yan,”
Kalaunan, iginiit ni Chloe na sariling desisyon umano ni Yza ang hindi pag-uwi at hindi ito desisyon niya o ng ibang tao.
Matagal nang napag-uusapan ang relasyon nina Carlos at Angelica matapos maging publiko ang kanilang hindi pagkakaunawaan noong 2024. Naging bahagi rin ng usapin ang mga pahayag tungkol sa gymnastics career ni Carlos, mga insentibo at relasyon niya kay Chloe.
Sa mga sumunod na taon, patuloy na lumabas sa social media ang iba't ibang pahayag mula sa mga taong sangkot o malapit sa pamilya.
Sa ulat ng KAMI, ibinahagi ni Carlos Yulo ang kanyang pasasalamat kay Chloe San Jose matapos ang kanilang Australia trip kasama ang ilan sa kanyang mga kapatid. Naging bahagi rin ng biyahe sina Eldrew, Jorielgel at Elaiza Yulo. Ipinakita ng mga post na patuloy na nagkakasama sina Carlos at ang kanyang mga kapatid sa mga family trip at iba pang pagkakataon.
Samantala, iniulat din ng KAMI ang naging pahayag ni Carlos tungkol sa posibilidad na hindi imbitahan ang kanyang mga magulang sa magiging kasal nila ni Chloe. Ang usapin tungkol sa kanilang wedding plans ay naging bahagi rin ng mga naunang pag-uusap ng magkasintahan sa publiko. Muling naging paksa ito kasunod ng bagong palitan ng komento sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh




