Toni Fowler, humingi ng tawad kay Tyronia sa epekto ng dati niyang desisyon

Toni Fowler, humingi ng tawad kay Tyronia sa epekto ng dati niyang desisyon

  • Inamin ni Toni Fowler na hindi naging madali para sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pamilya matapos maapektuhan si Tyronia ng isyung muling nagbalik sa usapan ang kaniyang nakaraan
  • Ayon kay Toni, bago pa man dumating sa kanilang buhay sina Jen at Yumi ay nakaranas na umano si Tyronia ng masasakit na bansag mula sa ibang tao dahil sa nakaraan ng kaniyang ina
  • Mas naging emosyonal para kay Toni ang sitwasyon dahil naniniwala siyang maaaring sinasalo ngayon ni Tyronia ang mga naging epekto ng isang pagkakamaling ginawa niya maraming taon na ang nakalipas
  • Dahil dito, nagpasya sina Toni at Tyronia na mag-deactivate muna sa social media habang inuuna nila ang kanilang peace of mind at ang kapakanan ng mag-ina kaysa sa pagpapatuloy ng kanilang online presence

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging emosyonal si Toni Fowler sa pagtalakay sa naging epekto ng isang kontrobersiya sa kaniyang anak na si Tyronia, lalo na dahil inamin niyang may bahagi siyang pananagutan sa mga bagay na kailangang harapin ngayon ng kaniyang anak.

Read also

Toni Fowler, nagsalita na matapos ang isyu sa livestream ni Tyronia

Toni Fowler, humingi ng tawad kay Tyronia sa epekto ng dati niyang desisyon
Toni Fowler, humingi ng tawad kay Tyronia sa epekto ng dati niyang desisyon (đź“·Toni Fowler/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang pag-uusap kasama si MG, kinumusta muna ang kalagayan ni Toni at ng buong Toro Fam. Ayon kay Toni, hindi raw talaga maayos ang kanilang sitwasyon sa kasalukuyan dahil sa mga pangyayaring patuloy na pinag-uusapan online.

Ikinuwento rin niya kung paano niya nakilala sina Jen at Yumi. Aniya, nakilala niya si Yumi noong 2024 matapos itong mapunta sa isang healing program kung saan inimbitahan ito ng kaniyang ate. Nang dumalo si Yumi, doon umano nagsimula ang kanilang pagiging malapit. Sa simula, wala raw silang alam tungkol sa background ng isa't isa.

Sa gitna ng mga naging kaganapan, sinabi ni Toni na naniniwala siya sa karma at posible umanong si Tyronia ang nakararanas ngayon ng epekto ng isang kasalanang ginawa niya 10 taon na ang nakalilipas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunman, hindi umano niya itinuturing na mali ang pagtulong kina Jen at Yumi dahil naniniwala siyang ginawa rin sila ni Lord.

Mas mabigat para kay Toni ang usapin dahil ayon sa kaniya, bago pa man dumating sina Jen at Yumi ay nakaranas na si Tyronia ng pagtawag sa kaniya bilang “anak ng kabit.”

Read also

Lester Fowler, humingi ng tawad kay Jelai matapos linawin ang kaniyang pahayag

Aminado rin si Toni na insensitive ang kaniyang naging desisyon na mag-story habang magkakasama sila nina Jen at Yumi. Sa kaniyang pananaw, maaaring lalo nitong nadagdagan ang atensiyong natanggap ng sitwasyon at ang epekto nito sa kaniyang anak.

Nilinaw din niya na ang kaniyang pagkairita sa mga taong nakikisawsaw sa isyu nina Jelai at Yumi ay hindi direktang patama kay Jelai. Ipinaliwanag niya na kung hindi niya ginawa ang kaniyang pagkakamali 10 taon na ang nakalilipas, maaaring hindi rin siya nakilala ng publiko.

Binalikan din ni Toni ang panahong nangyari ang kontrobersiya noong 2016. Ayon sa kaniya, hindi pa kasal noon sina Jelai at KB kaya hindi niya itinuturing ang sarili niya bilang mistress.

Sa kabila nito, sinabi niyang ilang beses na siyang humingi ng sorry kay Jelai sa pamamagitan ng chat ngunit hindi umano siya napapansin.

Tungkol naman sa naging livestream ni Tyronia at mga video ni Mari, iginiit ni Toni na hindi scripted ang mga ito. Hindi rin umano niya hinahayaan si Tyronia na gumamit ng social media nang wala siya kaya nagulat siya sa mga nangyari.

Sa kabila ng lahat, sinabi ni Toni na hindi niya pinagsisisihan ang pagtulong kina Jen at Yumi. Dagdag pa niya, wala rin siyang nakikitang dahilan para siraan pa ang taong nasaktan na niya noon.

Read also

Paulo Tuazon, nagsalita matapos lumutang ang isyu kina Jen at Forda

Isa sa pinakamabigat na bahagi ng kaniyang pahayag ay ang pag-amin ni Toni tungkol sa kaniyang nararamdaman bilang ina.

Humingi siya ng tawad kay Tyronia at kinilala na maaaring bumalik sa kaniyang anak ang mga naging epekto ng kaniyang mga desisyon noon.

“Patawad dahil ako naging nanay mo.”

Sa halip na ipagpatuloy ang aktibidad sa social media, nagdesisyon sina Toni at Tyronia na mag-deactivate muna upang magkaroon sila ng peace of mind. Hindi pa rin umano alam ni Toni kung kailan o kung babalik siya sa social media.

Aminado rin siya na para sa kaniya ay deserve niyang ma-cancel dahil sa mga nangyari. Ngunit sa puntong ito, mas pinili niyang unahin ang kaniyang anak.

Muling naging sentro ng usapan ang relasyon nina Toni at Tyronia kasunod ng magkakasunod na social media activity na may kaugnayan sa kontrobersiya. Nauna nang naging usap-usapan ang pagharap ni Tyronia sa batikos at ang mga pahayag ng mga taong malapit sa magkabilang panig.

Sa naunang ulat ng KAMI.com.ph noong Setyembre 3, iniulat na nag-repost si Jelai ng isang mensaheng may kaugnayan sa isyu nila ni Toni. Nakatuon ang naturang mensahe sa pagtatanggol kay Jelai at sa paglilinaw na hindi umano dapat sa kaniya ipasa ang responsibilidad para sa mga desisyon ng ibang tao. Binigyang-pansin din nito ang epekto ng kontrobersiya kay Tyronia.

Read also

Katherine Luna, muling nagsalita matapos ang matinding pambabash online

Samantala, isang araw bago ang kasalukuyang pagtalakay sa kaniyang guilt bilang ina, naglabas na rin si Toni ng pahayag tungkol sa naging livestream ni Tyronia. Iniulat ng KAMI.com.ph na matapos ang ilang araw na pananahimik ay nagsalita siya tungkol sa isyung naging sentro ng social media discussion. Kasama sa kaniyang tinalakay ang pagtatanggol umano ni Tyronia sa kaniya at ang mga pangyayaring muling nagbukas sa usapin ng nakaraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: