Shanaia Gomez, muling nagsalita tungkol sa nilabas na lumang DMs
- Muling nagsalita si Shanaia Gomez tungkol sa dating conversation na ibinahagi niya online at binigyang-diin ang karapatan niyang magbahagi ng mga karanasang komportable siyang pag-usapan
- Ayon kay Shanaia, may mga bagay na nangyari sa kaniya bago pa siya sumapit sa edad na 21 na mas naunawaan niya nang balikan niya ang mga ito habang siya ay mas nakatatanda na
- Sinabi rin ng dating PBB housemate na walang sapat na kaalaman ang publiko sa naging epekto sa kaniya ng mga mensaheng ipinadala noon at hindi niya obligasyong ipaliwanag ang lahat ng detalye
- Nanindigan si Shanaia sa kaniyang naging desisyon na ipasilip ang bahagi ng private conversation at sinabi niyang ibabahagi lamang niya ang mga bagay na kaya at nais niyang pag-usapan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling nagsalita si dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition housemate Shanaia Gomez kaugnay ng conversation na ibinahagi niya online tungkol sa isang Pinoy celebrity na umano’y nagpadala sa kaniya ng mga mensahe noong menor de edad pa siya.

Source: Facebook
Sa isang video statement na inilabas niya sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Setyembre 17, ipinaliwanag ni Shanaia kung bakit niya piniling pag-usapan sa publiko ang ilang karanasan mula sa kaniyang nakaraan.
Binigyang-diin ng dating PBB housemate na may mga bagay na nangyari sa kaniya bago pa siya sumapit sa edad na 21 na mas nakita niya mula sa ibang pananaw habang tumatanda.
“Some of these things happened to me before I was even 21,” lahad ni Shanaia.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, may mga pagkakataong kailangan niyang balikan ang isang sitwasyon upang mas maunawaan kung tama ba o katanggap-tanggap ang nangyari noon.
“And sometimes you need to take a step back and look at the situation again and be like, ‘Oh my God, yeah, wait. Yeah, maybe that wasn't right, and that wasn't okay.’”
Ayon kay Shanaia, siya mismo ang magpapasya kung aling bahagi ng kaniyang karanasan ang nais niyang ibahagi sa social media at kung hanggang saan niya ito gustong pag-usapan.
“So if I want to share some things on my social media account, then I have the right to do so. You know, I don't owe anyone an explanation. I will share what I'm comfortable sharing, what I'm willing to share, and I will share as much as I'm comfortable doing so,” pahayag niya.
Hindi rin idinetalye ni Shanaia ang lahat ng naging epekto sa kaniya ng mga mensaheng natanggap niya noon. Sa halip, sinabi niyang hindi alam ng publiko ang buong kuwento at kung paano siya naapektuhan ng naturang conversation.
Tumanggi rin siyang humingi ng paumanhin dahil sa pagbabahagi niya ng bahagi ng private conversation.
Bago ang kaniyang bagong video statement, naging usap-usapan si Shanaia matapos niyang ipakita sa social media ang screenshots ng isang conversation na natanggap umano niya noong 14-anyos pa lamang siya.
Si Shanaia ay nakilala sa mas malawak na publiko bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition. Matapos ang kaniyang stint sa reality show, nagpatuloy siya sa showbiz bilang bahagi ng Star Magic at naging aktibo rin sa social media.
Isa sa mga naunang ulat ng KAMI tungkol kay Shanaia ay ang pagsasama nila ni Albie Casiño para sa kanilang tinawag na “sisig date.” Naiulat noong Enero 9, 2022 na natuloy ang kanilang pagkikita matapos itong mapag-usapan noong nasa loob pa sila ng Pinoy Big Brother house. Ibinahagi rin noon na naging masaya ang kanilang mga tagasuporta nang makita silang muling magkasama matapos ang kanilang PBB stint.
Mas kamakailan naman, iniulat ng KAMI ang tungkol sa mga resibong ibinahagi ni Shanaia kaugnay ng isang Filipino celebrity na umano’y nag-message sa kaniya noong 14-anyos pa siya. Sa naturang ulat, sinabi niyang hindi niya ilalabas ang pangalan ng celebrity at nagbigay lamang siya ng mga pahiwatig, na kalaunan ay naging paksa ng mga espekulasyon online. Nilinaw rin sa report na hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan ng taong tinutukoy
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


