Ai-Ai delas Alas, may payo sa bagong asawa ng ex na si Gerald Sibayan

Ai-Ai delas Alas, may payo sa bagong asawa ng ex na si Gerald Sibayan

  • Nagbigay ng pahayag si Ai-Ai delas Alas tungkol sa muling pagpapakasal ng kanyang dating asawang si Gerald Sibayan, na ayon sa komedyana ay hindi niya inaasahang mangyayari at nalaman lamang niya sa pamamagitan ng isang kaibigan
  • Sa isang panayam sa pilot episode ng bagong GTV talk show na “Kalurks,” sinabi ni Ai-Ai na wala siyang kaalam-alam sa plano ni Gerald at nagbiro pa tungkol sa isang bagay na ikinaluwag umano niya kaugnay ng naturang kasal
  • Ibinahagi rin ng beteranang aktres ang naging reaksyon ng kanyang mga anak sa bagong yugto ng buhay ng kanilang dating stepfather, at sinabi niyang tila wala namang malaking naging reaksiyon ang mga ito dahil dalawang taon na rin silang hiwalay
  • Sa kabila ng kanilang nakaraan, sinabi ni Ai-Ai na wish niya ang ikabubuti ni Gerald at nagbigay rin siya ng payo tungkol sa pag-ibig at pag-aasawa, kung saan binigyang-diin niya ang paniniwalang may bahagi ng suwerte sa buhay may-asawa

Read also

Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng pahayag si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas tungkol sa muling pagpapakasal ng kanyang dating asawa na si Gerald Sibayan.

Ai-Ai delas Alas, may payo sa bagong asawa ng ex na si Gerald Sibayan
Ai-Ai delas Alas, may payo sa bagong asawa ng ex na si Gerald Sibayan (📷YoüLOL/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Ai-Ai, wala siyang kaalam-alam na magpapakasal muli si Gerald at sa isang kaibigan pa niya unang nalaman ang tungkol dito.

Ibinahagi niya ang kanyang reaksiyon sa pilot episode ng bagong talk show ng GTV na “Kalurks.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang kaalaman sa plano ng dating asawa, diretsahan niyang sagot, “Wala. Parati naman akong walang idea sa gagawin niya sa akin eh.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang kanilang paghihiwalay, sinabi rin ni Ai-Ai na hindi na bago para sa kanyang mga anak ang pagkakaroon ng kanya-kanyang buhay nila ni Gerald.

Kasi, two years na rin naman kami na waley na, ani Ai-Ai.

Kaya naman, ayon sa komedyana, tila wala ring naging malaking reaksiyon ang kanyang mga anak sa muling pagpapakasal ng dating asawa.

Isa sa naging kapansin-pansing bahagi ng kanyang kuwento ay ang biro niya tungkol sa posibilidad na maging ninang sana siya sa kasal ni Gerald.

Read also

Janine Gutierrez nag-react sa pagbuhat ni Jericho Rosales sa kanya

Aniya, ikinatuwa pa niyang hindi siya napabilang sa mga ninang dahil kung sakaling nangyari iyon, maaari siyang mapunta sa sitwasyong kailangan niyang magbigay ng payo sa bagong asawa ng kanyang dating partner.

“Pero ang masasabi ko lang talaga, na buti na lang, dito sa pangyayari na ‘to, nag-trend na, buti na lang, hindi niya ako kinuhang ninang.”

Ipinaliwanag pa niya, “Kasi, kapag ninang ka, bawal kang tumanggi. So, kung bawal kang tumanggi, ako na ‘yung magiging second na magulang nila.”

Sa birong bahagi ng kanyang pahayag, sinabi niyang kung naging ninang siya, posibleng magbigay siya ng payo sa bagong asawa ni Gerald batay sa kanyang sariling karanasan.

“So, siyempre, kung second na magulang ako, bibigyan ko ng payo ‘yung girl. Sasabihin ko sa kanya, ‘Girl. O, mag-ingat ka. Baka mamaya, magaya ka sa akin.”

Sinundan pa niya ito ng isa pang hirit tungkol sa posibilidad ng mga pagbabago sa buhay ng isang mag-asawa paglipas ng panahon.

“’Malay mo, 10 years from now, 5 years from now, 2 years from now, magiging ang tanging ina ka rin,’” chika pa ng komedyana.

Read also

Kuya Kim Atienza, nagbalik sa dekada ’80 sa bagong social media post

Sa kabila ng mga biro, hindi naman masamang hangarin ang sinabi ni Ai-Ai para kay Gerald.

Nang tanungin tungkol sa kanyang wish para sa dating asawa, sinabi niya, “I wish him well. Kasi ‘di ba, ayoko naman nang mag-wish sa tao ng hindi maganda.”

Bukod sa sitwasyon ni Gerald, nagbahagi rin si Ai-Ai ng kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig at relasyon.

Para sa kanya, mahirap magbigay ng payo sa ibang tao dahil hindi naman alam ng isang tao kung ano ang magiging takbo ng kapalaran ng bawat isa.

“Siguro ang maipapayo ko lang sa kanila du’n sa girls, mahirap kasing magpayo, kasi hindi naman natin alam kung ano-ano ang mga kapalaran natin.”

Ipinaliwanag pa niya na maaaring magbigay ng payo ang isang tao ngunit iba-iba pa rin ang magiging karanasan ng bawat isa sa pag-ibig.

“Magpayo man ako, tapos suwerte ka talaga sa pag-ibig. May suwerte, may hindi. Kasi, naniniwala ako na ang pag-aasawa, suwerte ‘yan,” saad ni Ai-Ai.

Read also

Aiai delas Alas, may diretsahang sagot sa tanong ng netizen tungkol kay Gerald

Bago ang kanyang pahayag tungkol sa muling pagpapakasal ni Gerald, naging paksa rin si Ai-Ai sa isang online exchange kasama ang kapwa komedyana na si Kakai Bautista.

Naging usap-usapan online ang naging palitan ni Kakai Bautista at isang netizen matapos siyang makatanggap ng komento na may kaugnayan sa kanyang pagkakaibigan kay Ai-Ai delas Alas. Hindi pinalampas ni Kakai ang naturang komento at nagbigay siya ng diretsahang sagot. Kasama rito ang pagpapakita niya ng suporta kay Ai-Ai habang sinagot ang batikos na natanggap niya.

Sa isa pang ulat ng KAMI, naging direkta si Ai-Ai nang sagutin niya ang isang tanong ng netizen tungkol sa kanyang dating asawang si Gerald Sibayan. Patuloy na napag-uusapan ang kanilang dating relasyon kahit matagal na silang hiwalay. Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Ai-Ai ang kanyang panig tungkol sa tanong na ibinato sa kanya online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate