Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu

Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu

  • Humingi ng paumanhin si Nicolas Villanueva kina Niño Muhlach, Diane Abby Tupaz at Angela Muhlach Hortaleza matapos niyang ireklamo online ang umano’y hindi pagtupad sa mga ipinangakong tulong kasunod ng aksidente sa Marcos Highway sa Antipolo City
  • Nauna rito, naging usap-usapan ang Facebook post ni Villanueva kung saan sinabi niyang ilang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa umano napapalitan ang kanyang motorsiklo at hindi pa siya nakakabalik sa trabaho dahil sa nangyari
  • Tumugon naman si Diane at kinuwestiyon ang pahayag ng rider, habang binanggit niyang patuloy umano ang pagtulong ng kanilang pamilya at mayroon pa itong nakatakdang checkup na sasamahan muli ng kanilang family member
  • Matapos ang naging palitan at kaliwa’t kanang reaksiyon online, naglabas si Villanueva ng panibagong mensahe kung saan sinabi niyang tinatanggap niya ang responsibilidad sa kanyang pagkakamali at humihingi siya ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang natutunan

Humingi ng paumanhin si Nicolas Villanueva kina Niño Muhlach, Diane Abby Tupaz at Angela Muhlach Hortaleza matapos ang naging reklamo niya sa social media kaugnay ng aksidenteng naganap sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong Agosto 2026.

Read also

Carlos Agassi at Sarina Yamamoto, nagsalita matapos muling kumalat ang lumang DMs

Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu
Rider na nagreklamo kay Niño Muhlach, may bagong pahayag matapos ang isyu (📷Nicolas Villanueva/Facebook)
Source: Facebook

Si Villanueva ang isa sa mga rider na naapektuhan sa insidente na kinasangkutan ng aktor. Matapos niyang ilabas sa Facebook ang kanyang hinaing tungkol sa umano’y tulong na ipinangako sa kanya, naging paksa ito ng diskusyon online.

Sa kanyang Facebook post na burado na ngayon, sinabi ni Villanueva na ilang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin umano natutupad ang inaasahan niyang tulong.

Ang naturang post ang naging dahilan upang magsalita si Diane, asawa ni Niño. Sa isang Facebook post, kinuwestiyon niya ang pahayag ni Villanueva at hiniling na maging malinaw ang sinasabi nitong walang natupad na tulong mula sa aktor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasunod nito, binanggit ni Diane ang umano’y patuloy na pakikipag-ugnayan ng kanilang pamilya kay Villanueva, kabilang ang kanyang medical checkup.

Sa parehong post, tinanong niya kung ang naturang sitwasyon ba ang tinutukoy ni Villanueva nang sabihin nitong pinabayaan siya ni Niño.

“Yan po ba ang sinasabi nyo na pinabayaan kayo ni Niño and hindi kayo inaasikaso???” saad niya.

Read also

27-anyos na lalaki sa Zamboanga, nasawi; kapatid nasa kustodiya

Ayon sa naunang ulat ng KAMI, inilabas ni Diane ang umano’y mga patunay ng patuloy na tulong ng kanilang pamilya sa rider, kabilang ang mga gastusing may kaugnayan sa kanyang pangangailangan.

Matapos ang naging palitan at iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen, naglabas naman si Villanueva ng panibagong pahayag.

Sa kanyang mensahe, direkta siyang humingi ng tawad kina Niño at Diane.

Inamin din niya na alam niyang nakasakit sa iba ang kanyang mga naging kilos.

Sinabi rin ni Villanueva na buong-puso niyang tinatanggap ang responsibilidad sa kanyang pagkakamali.

“Buong-puso kong tinatanggap ang responsibilidad sa aking pagkakamali,” aniya.

Nilinaw naman niyang hindi niya umano sinadyang makasakit ngunit kinikilala niya ang naging epekto ng kanyang ginawa.

“Hindi ko sinasadya na makasakit, pero alam ko na ang epekto ng aking ginawa ay totoo at seryoso,” dagdag pa niya.

Sa pagpapatuloy ng kanyang mensahe, sinabi ni Villanueva na may natutunan siya mula sa nangyari at umaasa siyang mabibigyan siya ng pagkakataong maipakita ito sa kanyang mga susunod na kilos.

Muli rin siyang humingi ng tawad kina Diane, Niño at Angela.

“Muli, humihingi po ako ng patawad sa inyong lahat Maam Diane Abby Tupaz, Sir Niño Muhlach, Maam Angela Muhlach Hortaleza,” saad niya.

Read also

Chloe San Jose, ibinunyag na nagpadala na ng private message kay Rovelyn Baterbonia

Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Villanueva na emosyon ang naging dahilan ng kanyang mga nasabi.

“Taos puso po ako humihingi ng kapatawaran po. Nagawa ko lang po dahi sa dala nang aking emosyon dahil sa motor ko po ako umaasa para may pang suporta po ako sa pang araw araw namin.”

Dagdag niya, “Muli hindi kabawasan sakin ang paghingi ng kapatawaran upang maging maayos po ang lahat. Maraming maraming salamat po.”

Ang insidente ay naganap noong Agosto 2026 sa Marcos Highway sa Antipolo City. Sa naunang ulat ng KAMI, sinabi ni Niño na nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa pagod at humingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan. Patuloy rin ang proseso ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Noong Agosto 26, iniulat ng KAMI na sinuspinde ng Land Transportation Office nang 90 araw ang driver's license ni Niño habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Naglabas din umano ang ahensya ng show cause order laban sa aktor.

Samantala, ang bagong pahayag ni Villanueva ay nagbigay ng panibagong direksiyon sa usapin matapos niyang bawiin ang naunang reklamo at humingi ng tawad sa pamilya Muhlach.

Read also

Sagutan ni Chloe San Jose at ng pamilya Yulo sa social media, muling uminit

Noong Agosto 26, 2026, iniulat ng KAMI na sinuspinde nang 90 araw ang driver's license ni Niño Muhlach kaugnay ng aksidenteng naganap sa Antipolo City. Ayon sa ulat, naglabas din ang LTO ng show cause order at inilagay sa alarm ang sasakyang sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Nauna nang sinabi ni Niño na nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa pagod at humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan.

Noong Setyembre 15, 2026, iniulat naman ng KAMI ang naging sagot ni Diane Abby Tupaz sa reklamong inilabas online ng isang rider na naapektuhan sa aksidente. Sa kanyang pahayag, kinuwestiyon ni Diane ang alegasyon na walang tulong na natanggap ang rider at binanggit ang umano'y patuloy na suporta ng kanilang pamilya. Kasama rito ang pagbanggit niya sa isang nakatakdang checkup na umano'y sasamahan muli ng kanilang family member.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate