TikTok video ni Hazel Edep matapos na makapanayam ni Raffy Tulfo, viral
- Naglabas ng bagong TikTok video si Hazel Edep matapos siyang makapanayam ni Raffy Tulfo
- Makikitang masayang kumakain sina Hazel at kanyang nobyo na si JM Cuizon
- Pinasalamatan din ni Hazel ang lahat ng mga sumusuporta at naniniwala sa kanila
- Matatandaang, pumayag na sumailalim sa lie detector test sina Hazel at JM gayundin ang kampo ng mga nakakuha ng kanyang cellphone at sinasabing nangikil sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang paghaharap nina Hazel Edep at ng mga nakakuha ng kanyang cellphone sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo, naglabas ang TikTok Star ng bagong video.
Sa naturang TikTok video, makikitang masaya silang kumakain ng kanyang nobyo na si JM Cuizon.
Pinasalamatan din ni Hazel ang kanyang mga followers na patuloy na sumusuporta at naniniwala na sila umano ang nagsasabi ng katotohanan.
"Salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa amin #jmzel"
Kamakailan, nakapanayam ni Tulfo sina Hazel at JM na nagsalaysay ng kanilang panig kaugnay sa pagsasauli ng nawala nilang cellphone.
Ito ay matapos na dumulog sa 'Wanted sa Radyo' ang kampo ng sinasabing nakapulot ng cellphone ni Hazel na si Angelito Martin.
Kasalukuyan kasing nakakulong si Martin dahil sa umano'y pangingikil nito na aabot sana sa halagang Php50,000.
Pinabulaanan naman ito ng kampo ni Martin gayung si Hazel daw umano ang nag-alok ng pabuya sa halagang Php7,000.
Dahil dito, minabuti ni Tulfo na ipa-lie detector test ang magkabilang panig upang magkaroon siya ng pagbabasehan kung sino ang nararapat niyang tulungan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hazel Grace Edep ay isang TikTok Star na tinatawag nilang "QueenLuvs." Kasalukuyan na siyang may 10.8 million followers sa TikTok.
Kamakailan ay naging maugong ang pangalan ni Hazel dahil sa pagpapadampot umano nila sa lalaking nakapulot at nagsauli ng cellphone niyang nawala nang magpunta siya sa Divisoria.
Sinasabing na-stroke ang lalaki kaya humingi umano ito ng karagdagang tulong kay Hazel ngunit hindi para ang mangikil sa TikTok Star.
Pinabulaanan ito ni Hazel dahil na rin sa mga text message kung saan tila mayroong nagdidikta sa kanya ng dapat niyang ibigay na pabuya sa nakakuha ng cellphone niya.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh