Lola na labis na natuwa sa natanggap na money cake, umantig sa puso ng netizens

Lola na labis na natuwa sa natanggap na money cake, umantig sa puso ng netizens

- Kinagiliwan ng mga netizens ang video ng isang lola na tuwang-tuwa sa natanggap niyang 'money cake'

- Makikita kasi sa kanyang mga mata na talagang nasurpresa siya sa natanggap na cake na gawa lamang ng kanyang apo.

- Maging ang kanyang mga apo ay natuwa na na-appreciate ng kanyang lola ang kanilang inihanda kahit pa ito ay mula lamang sa mga pinagsama-samang cake bars

- Sa huli, saka lamang niya napagtanto na sa kanya na ang mga perang laman ng cake na labis niyang ikinatuwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng mga netizens ang TikTok video ng isang lola na labis na natuwa sa 'money cake' na natanggap para sa kanyang kaarawan.

Ibinahagi ng kanyang apo na si Athena @happyrach28 ang video kung saan makikita na nanlaki talaga ang mga mata ng kanyang lola nang hilahin nito ang surpresa at lumabas ang mga binalot na Php20 mula sa loob ng cake.

Read also

Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé

Lola na labis na natuwa sa natanggap na money cake, umantig sa puso ng netizens
Photo: Screengrab from Athena @happyrach28 TikTok
Source: UGC

Bagaman at ito ay mula lamang sa mga pinagsama-samang cake bars, mapapansing sobrang nasiyahan pa rin ang lola.

"She really appreciate even the smallest things. sorry lola wala tayong resources ng money cake kaya ako nalang muna gumawa ng improvise. I love u lola"

Mapapansing nasabi na lamang ng lola na "dami" at lalo pa itong natuwa nang malamang sa kanya na ang mga nahila niyang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa 'good vibes' video na ito ng lola ni Athena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakatuwa ang reaksyon ni lola, very appreciative"
"Swerte mo po sa iyong lola, mabait na at makikita mong natuwa siya kahit ano pa man ang ibinigay ninyo"
"Happy Birthday po! Mukhang super happy naman po kayo sa birthday ninyo dahil sa regalo ng inyong mapagmahal na apo"

Read also

Jowa community pantry ng isang lalaki, kinagiliwan ng netizens

"'Yung reaction ni lola, priceless! she's so happy lalo na at galing sa mga loved-ones niya ang simple cake"
"Very heart touching naman ang reaction ni lola, super happy siya kahit fudgee bars lang ang kanyang cake. Importante masaya siya at ang kanyang family"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel