
Latest Filipino Viral Stories







Hindi pinalagpas ng mga Pinoy netizens ang pambabastos umano ng isang sikat na YouTuber sa Pambansang awit ng Pilipinas. Umani ito ng batikos mula sa maraming Pinoy na hindi natuwa sa kanyang ginawa.

Sa pagtatapos ng 2019, tayo'y magbalik tanaw sa ilan sa mga nakaka-inspire na viral stories na tumatak sa puso nating mga Pilipino.Ilan sa mga ito ay nagpaluha sa atin at kinapulutan ng mahalagang aral sa taong 2019.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinay OFW ang nasawi sa car accident sa Lucky Plaza sa Singapore. Apat naman ang sugatan at dalawa sa mga ito ay nananatili pa sa intensive care.

Viral ang post ng isang netizen na naglabas ng saloobin sa kanyang kumare na nilarawan niyang "garapal" at "makapal ang mukha" na manghingi ng papasko para sa kanya raw inaanak. Giit ng netizen, di naman siya ninang ng bata.

Viral ang diary entry ng isang netizen noong siya ay nasa Grade 4 pa lamang. Marami kasi ang naka-relate sa mga makukulit na nakasulat doon. Naroon kasi ang mga bagay tungkol sa kanyang puppy love.

Upang patunayan na ligtas ang kanyang produkto ay uminom sa harap ng camera ang may-ari ng pagawaan ng lambanog na ininom ng mga nasawi sa Laguna. Hinala pa nito, may nanabotahe diumano sa kanilang negosyo ayon sa abogado nito.

Tuwang-tuwa ang netizens sa larawan ng fruit salad na nakalagay sa paper bag. Isa kasi ang fruit salad sa di mawawala sa handa ng mga Pinoy para sa noche buena at madalas ipabaon sa mga kaanak.

Nag-iwan ng matinding pinsala ang bagyong Ursula ngayong Kapaskuhan. Kabi-kabilang balita na rin ang naiulat kaugnay ng pinsalang iniwan nito sa bansa. 10 na ang naitalang nasawi sa ilang lugar habang mayroon pang mga nawawala.

Binigyan ng tulong ni Raffy Tulfo ang dati niyang cameraman na si Bernardo. Mayroon nang stage 4 colon cancer si Bernardo at kapansin-pansin na ang panghihina nito. sinigurado rin nitong maayos itong nagpapagamot.
Latest Filipino Viral Stories
Load more