Malakas daw kay tita: Fruit salad sa paper bag, kinagiliwan ng netizens

Malakas daw kay tita: Fruit salad sa paper bag, kinagiliwan ng netizens

- Tuwang-tuwa ang netizens sa larawan ng fruit salad na nakalagay sa paper bag

- Isa kasi ang fruit salad sa di mawawala sa handa ng mga Pinoy para sa noche buena at madalas ipabaon sa mga kaanak

- Umabot sa 40,000 ang mga positibong reaksyon ng post at may 72,000 na rin itong pagbabahagi

- Marami ang naka-relate sa post na ito dahil madalas talaga na mag-take home ang mga kaanak na dumayo lamang ng paskuhan

PAY ATTENTION:Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napapangiti raw ang mga netizens sa viral post ni Jolo Figueroa.

Imbis kasi na sa tub o microwavable container nakalagay ang fruit salad na take home niya, paper bag talaga ang nilagyan nito.

May caption ang post ng "Thank you po tita sa salad" kaya naman nasabi ng netizens na malakas daw sa kanyang tita si Jolo.

Di kasi talaga mawawala sa hapag-kainan ng mga Pinoy sa noche buena ang fruit salad bilang panghimagas.

Ito rin ang madalas ipa-take home ng mga kaanak na dumayo lamang ng paskuhan.

Kaya naman talagang ibang level na raw ang takeout na ito dahil paper bag na talaga ang ginamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga makukulit na komento ng netizens:

"Ay sosyal, paper bag pa talaga"
"Malakas siya kay tita kasi paper bag na hindi maliit na container lang"
"Ay ang kulit naman nito, ilagay niya dapat agad sa palanggana sayang kung mabutas ang paper bag"
"Naubusan na ng lalagayang si tita, naparami tuloy takeout mo"
"Magawa nga ito sa susunod. haha"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel