Lolo na sira ang bahay noon pang 2012, mayroon nang bagong tirahan ngayong 2020
- Eksaktong Bagong Taon nang matapos ang pinagawang bahay para sa 70-anyos na si Rodel Gumban
- Muntik nang di matuloy ang pagpapatayo ng bahay sa viral na lolo na ito dahil sa di pagpayag ng kanyang kapatid sa Spain na siyang may-ari ng lupa
- Kalaunan ay pumayag na rin ito kaya naman natuloy ang pagpapatayo ng bahay sa tulong ng netizens na nagpadala ng donasyon at mga pulis na siyang nagtayo ng bahay
- Malaki ang pasasalamt ng matanda lalo na sa Energy FM Kalibo na siyang naglikom ng tulong para siya ay mabigyan ng maayos na tahanan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natapos na rin sa wakas ang bahay ng 70-anyos na si Rodel Gumaban o mas kilala sa tawag na Lolo Camlon na dating nakatira sa wasak na bahay.
Matatandaang, sa naunang ulat ng KAMI, muntik nang di matuloy ang pagpapatayo ng bahay nito dahil sa di agad pagpayag ng kanyang kapatid na nasa Spain na siyang may-ari ng lupang titirikan ng bagong bahay.
Binahagi muli ng radio anchor ng Energy FM Kalibo na si Archie Hilario ang mga kaganapan sa mga tulong na dumarating kay Lolo Camlon.
Nangangalakal lamang ito at wasak na ang bahay kaya naman naisipan siyang tulungan ng naturang istasyon.
Dinagsa ito ng tulong mula sa netizens na nakapanood ng kwento ng kanyang buhay kaya naman nakalikom ang Energy FM Kalibo ng pambili ng materyales upang mapagawan siya ng maayos na bahay.
Matapos ang ilan naging aberya sa pagpapagawa, napapayag na rin ni Lolo Camlon ang kapatid na patayuan niya ng maayos na bahay ang bahagi ng lupa nito.
Hindi na huminto pa sa paggawa ang mga pulis ng kanilang lugar sa bahay ng matanda kahit pa bisperas na ng Bagong Taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman eksaktong pagpasok ng 2020, bago na ang bahay ni Lolo Camlon.
Pinadalhan din siya muli ng ilang OFW na sumusubaybay sa kanyang kwento ng kanyang pang-Medya Noche.
Labis na nagpapasalamat ang matanda sa lahat ng tumulong sa kanya dahil sa magiging maganda ang pasok ng Bagon Taon para sa kanya sa tulong ng mga taong nagmalaskit na mabago ang kanyang buhay.
Narito ang part 15 ng kanyang kwento mula sa YouTube channel ni Archie Hilario:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh