Pambabastos ng YouTuber na si Bretman Rock sa 'Lupang Hinirang', binatikos

Pambabastos ng YouTuber na si Bretman Rock sa 'Lupang Hinirang', binatikos

- Hindi pinalagpas ng mga Pinoy netizens ang umano'y pambabastos ng isang sikat na YouTuber sa pambansang awit ng Pilipinas

- Sa kumakalat na video ng Pinoy vlogger na si Bretman Rock, makikita itong sumasayaw ng 'di akma habang kinakanta ang "Lupang Hinirang"

- Halata rin na hindi nito kabisado ang lyrics ng national anthem ng mga Filipino habang ito ay nagli-lip sync

- Umani ito ng batikos mula sa maraming Pinoy na hindi natuwa sa kanyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi pinalagpas ng maraming Pinoy netizens ang pambabastos umano ng isang sikat na YouTuber sa pambansang awit ng Pilipinas.

Sa kumakalat na video ng Pinoy vlogger na si Bretman Rock, makikita ito habang sumasayaw ng 'di akma habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang.

Halata rin na hindi nito kabisado ang lyrics ng national anthem ng mga Filipino habang ito ay nagli-lip sync.

Maraming Pinoy tuloy ang hindi naiwasang batikusin ang ginawa ni Rock lalo pa at parte ito ng makasaysayang istorya ng ating bansa.

"Diretsong walang respeto s National anthem... Bigyan yan ng Nararapat n Parusa ayon sa batas ng Pilipinas."
"He needs to learn how to respect our National Anthem. When I was a kid even passenger jeeps stop whenever the National Anthem is being played."
"Kawawang Nilalang Hindi na Alam ang Ginagawa alang Alang sa PagPapasikat sa Pangkahalatan. At Kaakibat ng Paglabas sa Batas na Sakop nito ay Harapin ang Kulungan."
"Gusto niya siguro mabawasan ng ilang pilipinong subscriber niya kaya niya siguro nagawa yan. Tsk2. Nag search ka muna sana kung pwede bang mag ganyan habang kinakanta mo ang lupang hinirang."
"Dapat iparanas sa walang galang na yan ang dinanas na hirap ng mga Pilipino noon."

Ang bawat salita sa ating pambansang awit ay tinuturing na sagrado para sa lahat dahil ito ay nilikha ayon sa kaugalian at paggalang ng mga Filipino sa Pilipinas.

Simbulo rin ito ng walang hanggang katapatan ng lahat ng mga namatay para sa bayan.

Narito ang video mula sa Facebook page na DB Video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone