2 Pinay OFW, kumpirmadong namatay sa car accident sa Singapore
- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinay OFW ang nasawi sa car accident sa Lucky Plaza sa Singapore
- Apat naman ang sugatan at dalawa sa mga ito ay nananatili pa sa intensive care
- Ayon sa ulat na lumabas, nagpapahinga ang mga biktima sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang silang araruhin ng sasakyan
- Habang nakikipag-ugnayan naman ang embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad upang maibalik na ang mga labi ng dalawang nasawi
- Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 64-anyos na driver nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Kalunos-lunos ang sinapit ng ilang nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) matapos silang araruhin ng isang sasakyan sa Lucky Plaza sa Singapore.
Dalawa sa mga ito ay nasawi habang apat naman ang sugatan, dalawa rito ay nananatili pa rin sa intensive care.
Base sa ulat ng GMA News, nagpapahinga ang mga ito sa gilid ng kalsada nang mangyari ang aksidente.
Nakaladkad pa umano ang mga ito sa driveway ng mall ayon sa mga lumabas na ulat.
Ayon naman sa inilabas ng pahayag ng DFA nitong Lunes: "The Department of Foreign Affairs (DFA) today expresses its condolences to the families of two Filipinos who died after a car lost control and crashed into a group of Filipinos at Lucky Plaza in Singapore, yesterday afternoon. The accident also left four other Filipinos injured."
"Parang freak accident ang nangyari kaninang hapon, between four and five, dito sa likod ng Lucky Plaza, na isang private sedan ay nawala sa road tsaka binangga ang grupo ng kababayan natin na nagpapahinga sa gilid ng daan at dinala pa pababa doon sa isang driveway ng Lucky Plaza," saad naman ni Charge d' Affairs Adrian Candolada sa panayam ng Super Radyo dzBB dito.
Dito, nakumpirma rin na parehong Pinay ang nasawing mga biktima.
Sabi ng DFA, nakaalalay naman daw ang embahada ng Pilipinas sa mga biktima. Nakikipag-ugnayan na rin daw ito sa mga awtoridad upang maiuwi ang mga labi ng dalawang nasawi.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang embahada sa mga pamilya at employer ng mga biktima na hindi pa ibinibigay ang pagkakakilanlan dahil wala pang authorization ng mga kaanak.
Samantala, ayon din sa ulat, hawak na ng mga awtoridad ang 64-anyos na driver ng nang-ararong sasakyan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh