Hagupit ng bagyong Ursula, nag-iwan ng matinding pinsala sa Kapaskuhan
- Nag-iwan ng matinding pinsala ang bagyong Ursula ngayong Kapaskuhan
- Kabi-kabilang balita na rin ang naiulat kaugnay ng pinsalang iniwan nito sa Visayas
- Tinatayang 10 na ang naitalang nasawi sa ilang lugar habang mayroon pang mga nawawala
- Libo-libo rin ang napilitang iwan ang kanilang tahanan at sinalubong ang Pasko sa mga evacuation centers
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Kalunos-lunos at nakapangingilabot ang pinsalang iniwan ng bagyong Ursula ngayong Kapaskuhan sa ating mga kababayan sa Visayas.
Kabi-kabilang balita na rin ang naiulat kaugnay ng nakapanlulumong sitwasyon ng ilang lugar sa bansa dahil kay Ursula na pitong beses na nag-landfall sa Eastern Visayas, Western Visayas at Mimaropa ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa ulat ng Inquirer, 10 na ang naiulat na nasawi. Dalawa mula sa Leyte habang walo naman sa Iloilo at Capiz. Habang anim naman ang naiulat na nawawala base sa huling update.
Libo-libo ang napilitang iwan ang kanilang tahanan at sinalubong ang Kapaskuhan sa mga evacuation centers.
May ilan ding hindi nakauwi sa kanilang mga pamilya at stranded sa mga daungan matapos isuspinde ng Coast Guard ang byahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa lakas ng hangin ni Ursula na delikado na para pumalaot pa.
Sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Queenie Marie Palencia, makikita pa ang nakakatakot na paghampas ng hangin na dala ng bagyong Ursula na kuha mula sa Robinson's North sa Tacloban City, Leyte.
Sa ilang larawan naman mula sa Philippine Emergency Alerts - PEA, nakapanlulumo rin ang sitwasyon sa ilang lugar sa Balasan, Iloilo na halos lamunin na ng tubig dahil sa matinding pagbaha.
Samantala, ayon sa report ng PAGASA, nakatakdang lumabas na sa bansa ang bagyong Ursula ngayong hapon ng Huwebes.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh