Raffy Tulfo, binigyan ng malaking tulong ang kanyang cameraman na may stage 4 cancer

Raffy Tulfo, binigyan ng malaking tulong ang kanyang cameraman na may stage 4 cancer

- Binigyan ng tulong ni Raffy Tulfo ang dati niyang cameraman na si Bernardo

- Mayroon nang stage 4 colon cancer si Bernardo at kapansin-pansin na ang panghihina nito

- Kaysa hintayin nito ang Abril sa susunod na taon, ibibigay na ni Tulfo ang halagang inaasahan ng cameraman mula sa kompanya sa 2020

- Laking pasalamat ni Bernardo sa dati niyang nakatrabaho dahil siniguro rin nitong maayos siyang magkakapagpagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan din ni Raffy Tulfo ang dati niyang cameraman na si Bernardo na nagkaroon ng cancer

Sa episode ng programa ngayong bisperas ng pasko, makikita ang cameraman na bumisita sa kanyang idol Raffy.

Nalaman ng host na stage 4 colon cancer na pala ang karamdaman nito kaya naman kitang-kita na ang panghihina niya.

Dahil sa Abril 2020 pa siya maaring makatanggap mula sa kompanya, boluntaryo nang nagbigay ni Tulfo sa cameraman na nanilbihan sa kompanya sa loob ng siyam na taon.

Di ina raw nito kailangan pang magtrabaho hanggang Abril 2020, at ibibigay na niya ng buo ang inaasahang ₱150,000. Bukod pa rito, makakatanggap din ng ₱30,000 si Bernardo mula sa kompanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, inirekomenda na rin ni Tulfo si Berardo sa kilalang doktor na ekperto sa mga halamang gamot.

Siniguro rin ng kanyang Idol Raffy na susuportahan din niya ang pamilya ni Bernardo sa abot ng kanyang makakaya.

Laking pasalamat naman ng cameraman sa mga biyayang natanggap, di lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel