Kumareng naglabas ng saloobin sa inang "demanding" ng kanya raw inaanak, viral
- Viral ang post ng isang netizen na naglabas ng saloobin sa kanyang kumare na nilarawan niyang "garapal" at "makapal ang mukha" na manghingi ng papasko para sa kanya raw inaanak
- Giit ng netizen, di naman siya ninang ng bata dahil di ipinaalam sa kanya ang binyag nito at humingi na lang ng pakimkim pagkatapos
- Tumataginting na ₱4,000 ang hinihingi ng ina bilang pamasko raw ng ninang nito dahil mamamasahe pa raw sila para makuha ang pamasko
- Umalma ang netizen at diretsahan nang tinanggihan ang kanyang kumare sa hinihingi nito
- Ang masaklap, dahil sa di siya napagbigyan, siya pa ang lumabas na madamot at masama ang ugali
- Maging ang ibang netizens na nakabasa ng post ay nangngitngit din sa ina ng bata dahil sa tila ginamit lamang nito ang anak upang makahingi ng pera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang post ng isang babae na nagpapakita ng kanilang naging usapan sa messenger ng "demanding" niyang kumare.
Binahagi ng netizen na si Andrea Rhea Javier screenshots ng di niya muna pinangalanan na kumare na nanghihingi umano ng pamasko para raw sa inaanak ni Andrea.
Kwento ni Andrea, ni hindi man lang daw siya naimbitahan sa mismong binyag ng bata kaya naman nagtaka siya nang malamang ninang pala siya nito.
Wala raw si Andrea sa kanilang bahay nang mag-message sa kanya ang kumare kaya naman sinabi niyang sa Bagong Taon na lamang niya sana papamaskuhan ang kanyang inaanak.
Ngunit nagpupumilit pa rin ang kumare na magpadala si Andrea at di nito tinatanggap ang dahilan ng ninang ng kanyang anak.
Ang matindi pa rito, may halaga na itong hinihingi na umabot sa ₱4,000 dahil kasama na rin dito ang pamasahe nilang mag-anak sa pagluwas at pagkuha raw ng papasko.
Humaba ang usapan, at dahil sa tila di maganda ang "panghihingi" ina ng bata, di na rin ito pinagbigyan ng kumare.
Masyado na rin malaki ang "pamaskong" hinihingi ng ina, kaya tinapat na niyang di niya ito mapapagbigyan.
Dahil dito, lumabas pang madamot ang kumare at sinabihan pa itong masama ang ugali.
Di maiwasang sumama ng loob ng kumare at magbitaw na rin ng di magagandang mga salita.
Maging ang mga netizens ay nakaramdam daw ng inis sa ina ng batang namamasko dahil sa mali ang paraan nito ng pamamasko.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga naging saloobin ng netizens:
"Grabe naman ito, halatang namemera lang. huwag ganun, wag gawing negosyo ang anak"
"Para sakin, kung bibigyan ang anak ko, thank you pero yung kami ang manghihingi, big no talaga!"
"Kawawa naman ang bata, nagamit pa"
"Anong klaseng ina ito, nakakalungkot lang na may ganitong mga magulang makapamasko lang"
"Modus na talaga ngayon ang pamamasko, wag namang gamitin ang mga bata..."
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh