Nakakalokang sulat sa diary ng netizen noong siya'y Grade 4 pa lang, kinagiliwan online

Nakakalokang sulat sa diary ng netizen noong siya'y Grade 4 pa lang, kinagiliwan online

- Viral ang diary entry ng isang netizen noong siya ay nasa Grade 4 pa lamang

- Marami kasi ang naka-relate sa mga makukulit na nakasulat doon

- Naroon kasi ang mga bagay na di niya masabi sa kanyang crush at maging sa nagkakaroon ng crush sa kanya

- Naaliw ang mga netizens at hinala nilang "Batang 90's" ang may-ari ng diary na ito kung saan usong-uso ang mga ganito pati na rin ang pagpapasulat ng autograph sa mga kabigan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena online ang nakakatuwang diary ng isang netizen noong siya ay nasa Grade 4 pa lamang.

Binahagi Facebook user na si Jhane Marie ang ilang pahina ng kanyang diary kung saan naka-relate ang maraming netizens.

May caption ito na "King bat naman kasi hindi ka pumapayag na maging crush ko? Tsaka bakit ba kasi nagagalit ka nung nilista ka sa noisy? HAHAHAHAHA grabe ang harot ko naman nung grade 4 ako hahahahaha... P.S may nakita pa akong sulat ko para naman kay Marc hahahahaha..."

Nakasulat kasi sa kanyang diary ang mga bagay na di niya masabi sa kanyang crush noon at maging sa nagkakaroon naman ng crush sa kanya.

Dahil dito, marami ang naka-relate dahil nakaranas din umano silang magkaroon at makapagsulat sa kanilang diary.

Sikat ang diary o journal writing noong 90's. Dito isinusulat ng mga "Batang 90's" ang mga pangyayari sa kanilang buhay araw-araw. Madalas, tungkol din ito sa kanilang love life.

Tulad na lamang ng ginawa na ito ni Jhane Marie kaya naman napapangiti na lamang ito sa mga naisulat niya noong siya ay bata pa.

Umabot na sa mahigit 19,000 ang positibong reaksyon ng mga netizens at ang karamihan ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagkakaroon din ng diary.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naaalala ko tuloy yung crush ko from grade 4 to grade 6. Hahaha sana pala tinago ko yung diary ko na tungkol lahat sakanya nun"
"Naku, sinunog ko na yang diary ko, malalaman pa ni crush na crush ko siya ewww"
"Nung panahong wala pang internet, diary talaga ang libangan ng girls noon, dun sila umaamin sa crush nila"
"Gusto ko tuloy hanapin kung nasaan yung diary ko... andaming revelations doon"
"Ang kulit lang, for sure batang 90's may-ari nito every year meron akong diary e, or kung kelan maubos."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel