Dalaga, nagbigay ng babala sa social media tungkol sa "pagkalikot" sa tigyawat

Dalaga, nagbigay ng babala sa social media tungkol sa "pagkalikot" sa tigyawat

- Nagbigay ng babala ang isang dalaga sa social media tungkol sa "pagkalikot" daw ng tigyawat

- Ito ay matapos ang kanyang masakit na karanasan dahil dito

- Sa kanyang viral post, ibinahagi ng dalaga ang ilan sa mga larawan nito — bago, hanggang pagkatapos ng operasyon niya dahil sa tigyawat

- Mabilis itong kumalat sa social media at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan ng social media, nagbigay ng babala ang isang dalaga tungkol sa "pagkalikot" daw ng tigyawat.

Ito ay matapos ng kanyang masakit na karanasan dahil sa pagkalikot o pagtiris niya sa tigyawat.

Sa isang viral post ng dalagang si Glaiza Borromeo, isang medical technologist, ibinahagi rin niya ang ilang larawan nito.

"Dec 21 = night duty ako, naiirita ako sa pimple ko sa ilong kaya pnrick ko sya sa lab using sterile lancet.

"Dec 22 itong pic na to pag uwi ko from duty. piniga ko din ulit yan nung gabi hehe pasaway ako e," ayon sa isa sa mga caption ni Borromeo.

Nang lumala ito ay nagpatingin na ang dalaga sa doktor dahil sa pananakit ng kanyang tigyawat at pamamaga na umabot na sa ilang bahagi ng kanyang mukha.

Nahirapan na rin itong imulat ang isang mata dahil dito at hindi na rin daw umubra ang mga niresetang gamot sa kanya.

Sa kasamaang-palad ay na-operahan pa ang dalaga dahil lamang sa pagpiga nito sa tigyawat.

Kaya naman payo ni Borromeo, huwag nang galawin pa ang tigyawat.

"Truly a new year for me. Hindi na ulit magkakalikot ng pimple. Sana kayo din. Kung ayaw nyong magaya sakin. Napakahirap, napakasakit at napakamahal huhu. Muntik na ko matagpasan ng ilong kung nabulok pa to.

"Thank you Lord. Sana po ay tuloy tuloy na ang aking paggaling," anito sa FB post.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 37K ang shares nito sa FB at umani rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone