6 inspiring viral stories na umantig sa puso ng netizens sa taong 2019

6 inspiring viral stories na umantig sa puso ng netizens sa taong 2019

Sa pagtatapos ng 2019, tayo'y magbalik tanaw sa ilan sa mga nakaka-inspire na viral stories na tumatak sa puso nating mga Pilipino.

Ilan sa mga ito ay nagpaluha sa atin at kinapulutan ng mahalagang aral sa taong 2019.

Nawa sa pagbubukas ng 2020 ay mapuno pa rin tayo ng mga kwentong nagbibigay sa atin ng pag-asa at nagpapatunay na mayroon pa rin mga taong marunong magmahal at magmalasakit sa kapwa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ating sariwan ang ilan sa mga di natin malilimutang kwentong ito:

1. Syrian na amo na nagbigay ng bahay sa kanyang empleyado na dating OFW

Dahil alam daw ng among ito ang hirap na mangaibang bansa, di siya nagdalawang isip na bigyan ng regalo na tiyak na makakapagpabago ng buhay ng kanyang napakasipag na empleyado.

Kinakitaan din kasi ng amo ang empleyado niyang ito ng dedikasyon at katapatan sa trabaho kaya naman bilang pabuya, binigyan niya ito ng bahay na masasabi niyang sa kanya.

2. Lolang kargador na naghahanapbuhay pa rin sa kabila ng kanyang edad

Umabot sa mahigit 6 miilion views ang video ng lola na matiyaga pa ring naghahanapbuhay bilang kargador.

Makikita sa video na sako-sakong gulay ang kanyang pinapasan ngunit di manlang niya ito iniinda.

Pumukaw ito sa puso ng mga netizens lalo pa at karamihan sa kanila ay nakaramdam ng awa sa matanda. Ilan din ang nagsabi na hindi raw nila hahayaang mangyari ang ganito sa kanilang ina.

3. Mang Inasal crew na pinaaral ang kanyang nobya na nakatapos naman ng may karangalan

Nag-viral din ang kwento ng masipag na Mang Inasal crew na pinag-aral ang kanyang nobya.

Pinantayan naman ng kanyang GF ang kasipagan ng crew dahil nagtapos ito ng may karangalan sa kolehiyo.

Humanga ang mga netizens sa samahan ng dalawa na isa raw patunay na ang tunay na pag-iibigan ay pagsuporta rin sa mga pangarap na nais abutin ng bawat isa sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

4. Mga pasahero ng MRT na nag-ambagan para sa nakasakay nilang may stage 3 leukemia

Nadurog ang puso ng mga netizens sa kwento ng isang pasahero ng MRT na bumibiyaheng mag-isa patungong GMA7 upang humingi ng tulong sa kanyang pagpapagamot.

Nalaman ng kayang mga kapwa pasahero ng stage 3 leukemia na ang karamdaman ng lalaki. Bilang tulong, nag-ambagan silang mga sakay ng MRT sa mga oras na iyon upang maidagdag sa pampagamot ng lalaki.

Sa kwentong ito, masasabing marami pa rin naman ang may mabubuting puso na handang tumulong sa mga nanganailangan.

5. Tindera ng isda, nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo na isa na rin ngayong lisensyadong doktor

Marami ang humanga sa fish vendor na ito na naigapang ang pag-aaral ng anak sa kolehiyo.

Nakapagtapos ito at agad ding naging lisensyadong physician ng taong 2019.

Malaki ang pasasalamat ng anak sa ina at di niya ito binigo sa mga pangarap nito para sa kanya.

Tunay na na-inspire ang mag netizens sa nakakabilib na kwento ng mag-inang ito na isang pruwebang ang kahat ng sakripisyo at paghihirap ay masusuklian ng magandang resulta.

6. Matandang nakatira sa halos wasak nang bahay, nabigyan ng lupa ng isang dating OFW na siyang pagpapatayuan niya ng bago at maayos na tirahan

Marami ang sumubaybay sa kwento ni Mang Camlon na natulungan ng isang radio station sa Kalibo, Aklan.

Muntik nang di matuloy ang pabahay ng istasyon sa tulong mga OFW na nagpadala ng donasyon dahil di pumayag ang kapatid ni Mang Camlon na patayuan ng bahay ang kanilang lupa.

Isang OFW sa kanilang lugar ang nagmalasakit at nagbahagi ng kanyang lupa upang matuloy ang pagpapatayo ng bahay para sa kaawa-awang matanda.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica