Ex-BF, naglabas ng saloobin sa dating GF na biglang nagpakasal na lang sa iba

Ex-BF, naglabas ng saloobin sa dating GF na biglang nagpakasal na lang sa iba

- Nag-viral ang post ng isang ex-BF na naglabas ng saloobin tungkol sa nobya niyang nagpakasal sa lalaking kakikilala lamang niya sa loob ng tatlong buwan

- Lumalabas sa salalaysay ng dating nobyo na nabuntis na umano ng ibang lalaki

- Mas mayaman din daw ang lalaking ito kaya raw mas pinili ito ng kanyang dating nobya

- Sa kabila ng mga pangyayari, hangad pa rin ng ex-BF na maging maayos ang lagay ng anak ng dating nobya at binilinan pa umano niya ang asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng netizen na si Jom Tasani na naglabas ng kanyang saloobing tungkol sa dati niyang nobya na nagpakasal na.

Ayon kay Jom, tatlong taon daw ang itinagal ng relasyon kanilang relasyon kaya naman laking gulat niya nang malamang ipinagpalit siya ng nobya sa lalaking kakikilala lamang niya sa loob ng tatlong buwan.

Nagtungo raw ng Macau ang nobya na nagawa pang ihatid noon ni Jom. Nagkaroon na ito ng trabaho roon habang si Jom ay bumalik sa Pilipinas.

Maayos naman daw sa umpisa ang itinatkbo ng kanilang relasyon kahit malayo na sila sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado man si Jom na may mga tukso sa dumarating sa kanya ngunit sa tindi ng pagmamahal niya sa nobya, di raw niya nagawang magloko.

Hanggang sa napansin na lamang daw ni Jom ang panlalamig ng nobya at madalas din daw nitong paglabas kasama ang mga kaibigan.

Ang masaklap sa nangyari, dalawang buwan bago tuluyang naghiwalay ang dalawa ay buntis na pala ang dating nobya ni Jom sa ibang lalaki.

Mas lalong nagulat ang lalaki nang halos isang buwan lamang nilang paghihiwalay ay ikakasal na ang nobya sa bago nitong kasintahang mas mayaman daw kaysa kay Jom.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari, hangad pa rin daw ni Jom ang mapabuti ang kalagayan ng kanyang dating nobya na kahit kailan ay di niya nagawang saktan.

Narito ang kabuuan ng post na nagpaluha raw sa mga netizens:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel