May-ari ng pagawaan ng lambanog na ikinasawi ng ilan, pinatunayan na ligtas ito

May-ari ng pagawaan ng lambanog na ikinasawi ng ilan, pinatunayan na ligtas ito

- Upang patunayan na ligtas ang kanyang produkto ay uminom sa harap ng camera ang may-ari ng pagawaan ng lambanog na ininom ng mga nasawi sa Laguna

- Hinala pa nito, may nanabotahe diumano sa kanilang negosyo ayon sa abogado nito

- Ipinakita rin nito ang pagawaan ng kanilang lambanog para patunayang ligtas ang kanilang produkto

- Ganunpaman, handa naman daw ito at maging ang mga may-ari ng tindahan na binilihan ng mga biktima na tumulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay na ng pahayag ang may-ari ng pagawaan ng lambanog na ininom ng mga nasawi sa Laguna at Quezon.

Matatandaang nitong Linggo lamang nang kumpirmahin ni Mayor Vener Muñoz na may mga nasawi nga sa kanilang lugar dahil sa pag-inom ng iisang brand ng lambanog, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa huling ulat, nasa 11 na ang kumpirmadong nasawi sa Laguna habang apat naman sa Quezon dahil sa pagkalason mula sa pag-inom ng naturang lambanog.

Pero giit ni Alfredo Rey na may-ari ng "Rey's Lambanog", ligtas ang kanilang produkto, base sa ulat ng GMA News.

Sabi pa nito, limang dekada na raw ang kanilang negosyo at tiniyak na walang kemikal ang kanilang lambanog.

Ngunit inamin din nito na nakikisabay lang siya tungkol sa lisensiya sa Food and Drug Administration (FDA).

"Meron pong kuwan yung aking anak kung sa kwan, siya po ang may kwan ng FDA. Kaya lang po ako ay nakikisabay lamang po ako. Yun po ang ginagamit ko," anito.

Ipinakita rin nito ang pagawaan nito ng lambanog sa Candelaria, Quezon at uminom pa ito ng lambanog na kanilang gawa at ipinakita sa lahat.

Hinala naman ng abogado ni Rey, posibleng mayroong nanabotahe sa kanyang kliyente.

"May posibilidad, sabotahe siguro sa negosyo. Maaring mayroong tao o mga bagay na nakapagdulot ng ganyang kaperwisyohan," sabi ni Atty. Crisostomo Buela.

"Maaaring kalaban sa negosyo, maaring kalaban sa personal na may galit," dagdag nito.

Maging ang mga may-ari ng mga tindahan na sina Emma Ocaya, at Nicanor Delos Reyes na binilihan ng lambanog na nainom ng mga biktima ay nagbigay din ng pahayag.

Nakahanda naman daw ang mga ito na magbigay ng tulong para sa mga biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel