Sakit bes! BFF/yaya, inahas ang asawa ng kaibigang tumulong sa kanya

Sakit bes! BFF/yaya, inahas ang asawa ng kaibigang tumulong sa kanya

-Masama ang loob ng isang ginang nang idulog ang problema sa asawa at sa itinuring na kaibigan sa programa ni Raffy Tulfo

-Reklamo ng ginang ang pang-aahas ng kanyang kaibigan sa kanyang asawa

-Tinulungan pa man din daw niya ito para makarating sa Canada at makapag-trabaho

-Ngunit lingid sa kaalaman ng ginang ay nagkaroon na ng relasyon ang mister ang kanyang BFF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Harapan daw ang pagtataksil ng kanyang asawang Canadian, ayon sa ginang na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Ngunit hindi niya pa ito pinag-isipang ng masama at sa halip ay inintindi ang mister sa inakala niyang "normal" na pagbabago rito noong nagkaanak sila.

Pero ang masaklap pa, sariling kaibigan at ang babaeng ginawa niyang yaya ng kanilang anak ang nang-ahas sa kanya.

Ayon sa reklamo ng ginang na si Elloraine Lamb, inahas diumano ng kaibigang si Maria Salvacion Masayon ang mister na si Bryhton Lamb sa kanila pa mismong bahay sa Canada.

Sabi pa ng ginang, tinulungan niya si Salvacion upang magkaroon ng magandang future sa Canada at kinuhang yaya ng kanyang anak bilang simula nito.

Bago pa man daw na makarating sa Canada ang kaibigan ay naging friends na pala diumano ito at ang asawa sa social media kung kaya naman close na raw agad ang mga ito.

Mayroon na raw siyang napapansin sa dalawa ngunit hindi raw niya ito binigyan ng ibang kahulugan bagamat nagseselos na raw siya noon.

Hanggang sa dumating na raw ang araw na tuluyan na niyang nadiskubre ang relasyon ng dalawa na inamin naman daw ng mga ito.

Mas pinili na rin daw ng kanyang mister si Salvacion at katunayan ay nagsasama na raw ang dalawa sa kanilang bahay sa Canada.

Ngunit ayon kay Raffy Tulfo, maaaring kanselahin ni Elloraine ang kontrata ni Salvacion bilang employer ng huli.

Nangako rin di idol Raffy ng tulong para sa ginang upang makuha nito ang hustisya sa panloloko rito ng kaibigan at mister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel