Lalaki sa viral video at ang kinakasamang nananakit sa kanya, nagkaharap muli

- Nagharap muli sina Anthony Maravilla at Juwena Dela Peña para sa DNA test nila at ng kanilang anak

- Matapos ang test, humarap ang dalawa sa kapitan ng kanilang barangay upang magkaroon ng kasulatan umano ang kanilang paghihiwalay

- Hindi na raw talaga kaya ni Anthony na tiisin ang pananakit na nagagawa madalas sa kanya ni Juwena

- Nangako naman itong susustentuhan ang kanilang anak pati na rin ang nasa sinapupunan ng dating kinakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagkaharap sina Anthony Maravilla at dating kinakasama na si Juwena Dela Peña para sa DNA test upang makumpirma kung kay Anthony nga ba ang sinasabing anak nila ni Juwena.

Matatandaang sila ang nasa viral video kung saan kitang kita ang pananakit ni Juwena kay Anthony. Kapansin-pansin ding hindi naman nanlaban ang lalaki.

Nalaman ng KAMI na sinadya ng staff ni Raffy Tulfo ang dating magkasintahan sa Quezon upang isagawa ang DNA test.

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Kaya naman muling nagkaharap ang dalawa at pinag-usapan na rin sa harap ng kapitan ng kanilang barangay ang balak nilang tuluyan nang maghiwalay.

Ayon kay Juwena, hiyang-hiya na rin umano siya matapos na kumalat sa social media ang pananakit na nagagawa niya kay Anthony. Dahil dito, kahihiyan na rin umano sa kanya at sa kanyang pamilya kung babalik pa umano siya sa dating kinakasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gayundin naman si Anthony na hindi na raw kayang tiisin pa ang pisikal na pananakit ni Juwena. Makakaya pa umano niya ang paninigaw o pagmumura ngunit ang pananakit na pisikalan na ay talagang hindi na niya kaya pang masikmura.

Nangako naman itong magsusustento sa kanilang anak at maging sa ipinagbubuntis pa muli ni Juwena.

Nito lamang isang linggo, una na ring naibahagi sa programa ni Tulfo ang resulta ng DNA test kung saan nakumpirmang anak nga ni Anthony ang supling nila ni Juwena.

Lalaking nanlimos pambili ng yosi, nanakit nang makulangan sa natanggap niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pag-aksyon sa mga sumbong kay Tulfo ng mga naaagrabyado nating mga kababayan, marami na rin siyang natulungan na mabago ang buhay.

Isa na rito ang nag-viral na taho vendor na bitbit din ang anak sa paglalako. Nabigyan niya ito ng food cart business upang hindi na mahirapan sa pagpasan sa anak habang naglalako ng taho.

Gayundin ang nag-viral na lolo na naglalako ng basahan kahit hirap maglakad at nagkaroon pala ng mild stroke. Nabigyan ito ni Tulfo ng sarili niyang sari-sari store upang hindi na lumabas pa ng kanilang bahay para lang magtinda ng basahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news