Sekyu, desididong ipakulong ang pinsan na "ina-arbor" ang kanyang misis

Sekyu, desididong ipakulong ang pinsan na "ina-arbor" ang kanyang misis

- Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang security guard na nagawang lokohin ng kanyang misis at pinsan

- Nakadestino ang guwardiya sa ibang lugar kaya naman nakakasalisi ang pinsan sa misis nito lalo na noong ECQ

- Buntis pa umano ang misis ng sekyu at ang ama ay ang pinsan nito kaya naman ganoon na lamang ang hinanakit ng guwardiya

- Imbis na magmakaawa na hindi na ipakulong ng asawa, nagmamatigas pa ang misis na pilit pinalalabas na ang sekyu ang may pagkukulang sa kanya

- Ang kalaguyo naman ng misis na pinsan ng kanyang mister ay sinubukang magmakaawa sa sekyu na parang ina-arbor na lamang ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na kay Raffy Tulfo ang security guard na si Balingata dahil umano sa panlolokong ginagawa sa kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na ang mismong pinsan ng sekyu na si Christian Aguilo ang kalaguyo ng misis nito kaya naman doble ang sakit na nararamdaman nito.

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

Kwento ng misis na si Reylyn Balingata, nagsimula umano ang pagmamabutihan nila ni Christian nang mag-lockdown at madalas siya nitong tinutulungan sa mabibigat na grocery na kanyang pinamimili.

Sekyu, desididong ipakulong ang pinsan na "ina-arbor" ang kanyang misis

Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Ang mister niya kasi ay naka-destino sa ibang lugar kaya naman tila nakasalisi si Christian sa asawa ng kanyang pinsan.

Mismong ang ama ng sekyu ang di umano'y saksi sa relasyon nina Christian at Reylyn.

Si Reylyn, imbis na magpakumbaba sa kasalanang nagawa sa mister ay nagawa pa rin itong sisihin sa mga nangyayari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, mas lalong naging desidido ang sekyu na i-demanda ang misis at pinsan nito na pasok sa kasong adultery.

Ang masaklap pa rito, buntis ang misis at ang ama ay ang kalaguyo nito.

Sinubukan mang makiusap ni Christian na tila ina-arbor na lamang si Reylyn sa mister nito, subalit buo na ang desisyon ng sekyu na kasuhan sila.

Mga naulila ng mag-inang Gregorio, emosyonal na ibinahagi ang resulta ng autopsy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang isang OFW na tinakbuhan umano ng kanyang fiancee matapos nitong makuha ang pera at mamahaling cellphone na bigay niya.

Gayundin ang isang mister na nagagawang saktan ni misis. Natulungan ito ni Tulfo matapos na mag-viral ang aktwal na video ng pananakit na ikinabahala ng maraming netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel